Friday , November 15 2024
Philippine Red Cross - Bulacan Chapter Walk for Humanity

Bulakenyo hinikayat na makiisa sa pagtataguyod ng serbisyong makatao

Upang mahikayat ang mga Bulakenyo sa pakikilahok at pagtataguyod ng mga serbisyong makatao, idinaos ng Philippine Red Cross – Bulacan Chapter ang Walk for Humanity kung saan humigit-kumulang 4,100 Bulakenyo ang lumahok sa martsa na nagsimula sa Malolos Sports and Convention Center hanggang Bulacan Capitol Gymnasium sa Lungsod ng Malolos, Bulacan..

Alinsunod sa temang “PRC is always first, always ready, and always there in service for humanity”, inilunsad ang programa upang isulong ang programang Red Cross 143 sa lahat ng barangay sa lalawigan at hinihikayat ang bawat pamilya na magkaroon ng isang responder upang palakasin ang misyon ng PRC na magbigay ng humanitarian aid sa mga nangangailangan.

Bilang isa sa mga sumusuporta sa adbokasiya, ipinaabot ni Gob. Daniel R. Fernando ang kanyang suporta sa nasabing layunin sa kanyang mensahe na binasa ng kanyang kinatawan na si James Santos.

Hinikayat din niya ang mga Bulakenyo na suportahan at isulong ang bolunterismo sa lalawigan.

Ang ating gobernador ay patuloy na nakikiisa sa mga ganitong aktibidad sa lalawigan ng Bulacan, sa katunayan ay napakahalaga pong yugto ang unity walk para sa inyo sapagkat naipapakita ninyo sa inyong lipunan ang pagkakaisa, ani Santos.

Nakiisa rin sa paglalakad si Iana Khrys Godoy, isang second-year nursing student, at kanya ring hinikayat ang mga kabataan na lumahok at suportahan ang mga adbokasiya at programa ng PRC.

“Pumunta po ako dito dahil gusto ko pong sumama sa walk for humanity. Bilang kabataan, tayo ang magsisimula ng pagtulong sa ating kapwa. Itong walk for humanity, hindi lang po ito for clout, nanghihikayat po tayo ng kapwa nating mga Bulakenyo upang matulungan ang mga ito. bawat isa, ani Godoy.

Dinaluhan din ang programa nina Provincial Social Welfare and Development Office Head Rowena J. Tiongson, Bulacan State University President Cecilia Navasero-Gascon, Congresswoman Lorna C. Silverio, PRC Board of Directors na sina Raymundo Carlos, Bartolome Agustin, Annabelle Talusan, Rosalie Lava, Josefina Natividad at Dr. Erwin Tecson at iba pang mga boluntaryo. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …