Sa pinaigting na operasyon ay tatlumpu’t-limang (35) kriminal pa ang naaresto ng pulisya sa Bulacan sa loob lamang ng isang araw, Abril 11.
Batay sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, sa ikinasang anti-illegal drug operations ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Meycauayan, San Jose Del Monte, San Ildefonso, Bocaue, Norzagaray C/MPS, ng magkasanib na mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit, Plaridel MPS, SOU3-PDEG, Malolos CPS at SOU3-PDEG ay 22 personalidad sa droga ang nadakip.
Nakumpiska sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad ang kabuuang 67 pakete ng pinaghihinalaang shabu, assorted drug paraphernalia, at buy-bust money.
Ang mga arestadong suspek ay at mga kumpiskadong piraso ng ebidensiya ay dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) para sa angkop na pagsusuri samantalang kasong kriminal para sa paglabag sa R.A. 9165 ang kasalukuyang inihahanda laban sa kanila para ihain sa korte.
Sa patuloy namang manhunt operations ng tracker teams ng Meycauayan, San Jose Del Monte, Guiguinto, Obando, Bulacan CIDG PFU, mga tauhan ng Bulacan 2nd PMFC, Bustos at Bulacan 2nd PMFC, Bulacan 1st PMFC, Angat, Guiguinto at RMFB 3 ay naaresto ang 13 wanted na mga pugante.
Lahat ng arestadong akusado ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng kani-kanilang arresting unit/station para sa nararapat na disposisyon habang inihahanda na ang mga kasong kriminal laban sa kanila na isasampa sa korte.(Micka Bautista)