Monday , December 23 2024
Sta Maria Bulacan

Sa Sta. Maria, Bulacan
P5-M PASONG FOOD PRODUCTS NASAMSAM

Nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan ang dalawang kategorya ng expired at tampered na food products na ilegal pa ring ibinebenta sa ipinatupad na search warrant sa bayan ng Sta. Maria, sa lalawigan ng Bulacan nitong Lunes, 10 Abril.

Sa ulat na ipinadala kay P/BGen. Jose Hidalgo, Jr., Regional Director ng PRO3, ipinatupad ng magkasanib na operating teams mula sa Regional Special Operations Group (RSOG), 301st MC RMFB3 at Sta. Maria MPS sa ilalim ng pangkalahatang superbisyon ni P/Lt. Col. Jay Dimaandal, AFC, RMFB3/Chief, RSOG3 kaagapay si Rex Anonas, Division Security and Safety Manager ng San Miguel Foods, Inc., ang Search Warrant No. 2023-026-PSG para sa paglabag ng Sec. 169 kaugnay sa Sec. 170 ng RA 8293 (Intellectual Property of the Philippines) na inisyu ni Presiding Judge Elma Rafallo-Lingan, ng Pasig City RTC Branch 159 sa Brgy. Parada, sa nabanggit na bayan.

Nadakip sa operasyon ang mga suspek na kinilalang sina Gloria Cacanindin, Rachel Constantino at Rica Rodriguez, habang nagawang makatakas ni Noel Cacanindin.

Nasamsam sa operasyon ang mga kahon ng 3-in-1 coffee at mga de-latang pagkain na tinatayang nagkakahalaga ng P5,000,000; pedal sealing machine; sari-saring labelling paraphernalia; at isang kahon ng specimen sample; at dalawang Isuzu Elf trucks.

Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng RSOG ang mga suspek na sasampahan ng naaangkop na kaso sa hukuman. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …