Friday , November 15 2024
Bulacan Police PNP

Bulacan police handa na para sa Semana Santa

Sa pagsisimula ng ‘Semana Santa’ at panahon ng bakasyon, kumpleto na ang Bulacan PPO sa gamit at handang-handa na upang tiyakin ang seguridad ng publiko sa lalawigan.

Iniutos ni P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, ang pagtatalaga ng 200 pang puwersa ng kapulisan at pagtatatag ng 50 Police Assistance Desks (PADs), para sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa mga estrahikong lokasyon at sa lahat ng lugar na nag-uugnay sa lalawigan sa panahon ng LIGTAS SUMVAC o Summer Vacation 2023.

Nagsagawa ang Bulacan PPO ng inisyatibo tulad ng madalas na pag-iinpesksiyon at mataas na presensiya ng mga pulis sa mga tourist attractions at lugar  na inaasahang dadagsa ang mga turista upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga pangunahing imprastraktura tulad ng passenger terminals, resorts, at mga swimming  pools.

Dagdag pa na ang mga regular mobile patrols na magpapatupad upang mapigilan ang mga labag sa batas na gawain at isulong ang kapayapaan at masayang karanasan ng bakasyon sa bawat isa.

Pangako ng Bulacan PNP na tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng komunidad, ay sumasalamin sa ‘di natitinag na dedikasyon sa mandato nito.

Ayon pa kay PD Arnedo, ang buong puwersa ng PNP ay handang tumugon sa ano pa mang kagipitan at magbigay ng tulong sa publiko.

Sa direktiba mula sa CPNP at PNP Region 3 Director, ang Bulacan PNP ay nakatuon sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan, pigilan ang mga ilegal na gawain at tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga tao.

Dagdag niya, dahil dito ang publiko ay makakaasa ng matahimik at matiwasay na pagdiriwang ng ‘Semana Santa’ at panahon ng bakasyon. (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …