Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ali Asaytona

Toreros BL series, stepping stone ni Ali Asaytona sa showbiz 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

DESIDIDO ang newbie actor na si Ali Asaytona na makilala sa mundo ng showbiz. Siya ay nagsimula bilang model, nag-teatro bago sumabak sa BL serye. Kabilang sa ginawa niyang stage play ang “Happiness Is A Pearl,” “Nakapagpapabagabag,” “Huwag Mong Salingin,” at “Cam End Go.”

Si Ali ay mapapanood sa BL series na Toreros. Ito ang kanyang unang serye at aminado ang barakong ito na sumabak siya sa mga daring na eksena rito.

               Inabot ng pandemic, kaya nabakante ng dalawang taon ang newcomer. “Nagka-pandemic po kasi, so walang projects ng two years, So, pinag-isipan ko talaga nang mabuti bago ko gawin ‘yung BL series na Toreros. Kasi, challenging sa akin itong project na nakuha ko,” wika ni Ali.

Ang serye na may 13 episodes ay mula sa LIFETIMEDREAMTV.COM at pinamahalaan nina Madison Fernandez at Paulo Molina. Tampok dito sina Vin Drigo, Vincent Magbanua, Zk Nakaoka, Ivan Rivera, Dick Jordan, Bev Benny, Leo Albuera, at iba pa.

Nagkuwento si Ali hinggil sa kanilang BL serye. “Gagampanan ko rito si Ariel, the grave digger. Toreros ang title dahil naglalaban kami dahil sa pag-ibig at pera para sa pamilya at kung paano mag-survive sa isang sitwasyong pinasok namin at kailangan namin makalaya para makamit ang gusto namin.”

Dagdag niya, “Dito ay nag-daring talaga ako at may ka-love scene na lalaki, panoorin na lang po nila kung paano ko nabigyan ng justice ‘yung karakter ko rito. Abangan po nila ang Toreros ngayong summer, ang BL series na kakaiba sa lahat.”

Pahabol ni Ali, “Mada-download ito thru google play store, just search LTD+ at they can watch also sa website na lifetimedreamtv.com. This is under lifetimedream production. Kasi wala po sa mga apple users, sa mga android phone lang puwede ma-download sa ngayon.”

Itinuturing niyang stepping-stone ang pagpasok sa BL serye. “Yes po, kasi gusto kong maging ganap na aktor at ito ang gusto kong tahakin sa buhay. Dream kong maipagmalaki ko na kaya kong makipagsabayan sa iba,” diin ni Ali.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …