Sunday , December 22 2024
Armand Curameng Binakol Festival Sarrat

The Voice of Italy finalist Armand Curameng, featured artist sa week-long Binakol Festival ng Sarrat 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG unang Filipino finalist ng “The Voice” of Italy at Italy’s Filipino Concert King Armand Curameng is home in Sarrat, Ilocos Norte bringing in his hometown his hard-earned success and popularity in Europe.

Sa pag-uwi ni Armand nagkataon din na kapistahan ng kanyang hometown, kaya featured artist siya sa iba’t ibang events para sa one-week-long Binakol Festival ng Sarrat. 

Una, he was invited by his friend na siyang founder at organizer ng event na si Lawrence Patricio from Hawaii para sa year 27 at Coronation Night ng Miss ARI-BAI 2023 sa Sarrat Civic Center sa February 21. Makakasama niya bilang celebrity guests ang commercial model na si Raven Asprer, Mr. Teen Tourism/actor French Sola, at Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa.

May dalawa pang mahahalagang okasyon na dadalohan si Armand, isa rito ang Cancion ni Sarrateno sa February 26 at ang panghuli bilang guest performer sa Miss Binakol Festival sa February 28. All of this, ay sa pamamagitan ng Sarrat Tourism Officer na si Mr. Mark Anthony Agorilla.

Yes, on vacation si Armand for a-week-long celebration sa kanyang hometown pero isa na rin sa rason niya ay ang pagpapatayo ng bungalow for his great mom and pushing through with his baby project, the Ilocandia Song.

Sa mga biyayang natatamo ni Armand, lalong lumalim ang kanyang faith sa Diyos and with humility, binuksan niya ang  mga palad sa pagtulong sa kanyang mga kababayan at kaanak sa Europe at  Filipinas na kinikilala ang kagandahang loob ni Armand.

“Nabuhay o lumaki ako sa tulong at kaya ko ginagawa ito, kasi iyong hinihingi ko kay Lord, ibinibigay naman Niya kaya its one way of giving back,” makahulugang sambit ni Armand.

With music in his heart and mind, fulfilled na raw si Armand lalo sa kanyang  experience sa The Voice. “Siguro ultimate dream ko na iyon. Level up na. I am hoping for good things to happen, still, in His perfect timing,” nakangiting wika ni Armand.

Mukhang too soon na rin ang kanyang “in His perfect timing” kasi nadidikit na muli ang pangalan ni Armand sa pangalan ng Juke Box Queen Imelda Papin who is presently busy with her first venture in film-making via “Bakit Loyalista? (The Untold Story of Imelda Papin).”  

Kuwento ni Armand, big supporter siya at fan ni Imelda. Katunayan nga isa siya sa mga unang naging finalists sa “Talent Search” program na prinodyus ni Ms. Papin  sa RPN Channel 9 nang bumalik si Ms. Papin from Hawaii. “Nag-concert din kami sa Ilocos noong ‘Sama-Sama’ at nakita ko ang kabaitan niya. May nagawa siyang kabutihan sa amin na hindi ko puwedeng malimutan,” pagmamalaki ni Armand kay Ms. Papin.

Back in Italy, tutok pa rin si Armand sa binuo niyang the Filipino Association of Talents in Europe para sa pag-develop ng talentong Pinoy at ang Binibining Pilipinas Italy na isa siya sa mga point persons.

“Right now, I am enjoying what my music will bring me and I will continue to entertain and inspire other people through my performances and my story,” sambit niya.

Sa pagdating ng December, si Armand ay posibleng sumabak na rin sa recording.

Humbly indeed, Armand will be singing the right tune of success and the best melody of his journey in life, in His perfect timing.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …