Handog ng lokal na pamahalaan nitong araw ng mga puso ang mga bagong impraestruktura at tourist destinations sa San Jose del Monte City na tunay na maipagmamalaking tatak San Joseño. Pinasinayaan ang bagong tayong Amphitheater na matatagpuan sa likod ng New Government Center, Barangay Dulong Bayan, na maaaring maging lugar para sa mga pagtatanghal at mga pagtitipon. Kabilang sa pinasinayaan ang River Park Esplanade na maituturing na isa sa mga “perfect date spots” sa lungsod dahil sa magandang view at malawak na espasyo nito. Kasabay nito ay nagkaroon rin ng Valentine’s Day Concert na handog ng magkatuwang sa serbisyo nina congresswoman Florida P. Robes at mayor Arthur B. Robes bilang parte ng pagdiriwang ng araw ng mga puso. Sa mensahe ni Department of Tourism – Region III, Regional Director Dr. Richard Daenos, nagpasalamat siya sa lokal na pamahalaan ng San Jose del Monte sa pagsusulong ng turismo hindi lamang sa lungsod kundi maging sa buong probinsiya ng Bulacan. Sabay na natunghayan ang pagpapailaw ng dancing fountain at ang makukulay na fireworks display. Ang River Park Esplanade ay bukas na sa publiko simula kahapon, 15 Febrero 2023.
Check Also
Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN
IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …
DSWD relief goods inire-repack
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN
HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …
Chavit, umaariba sa poll ratings
HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …
Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT
IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …
Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP
KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …