Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Laverne

Laverne, muling hahataw sa pagkanta sa kanyang February 25 concert sa Teatrino

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

BABALIKAN ni Laverne Arceo ang kanyang first love, ang pagkanta. Ang talented na singer ay mayroong post Valentine concert this coming February 25 sa Teatrino Theatre sa Greenhills.

Ito ay isang self titled concert na ang special guests ni Laverne ay ang Original Prince of Pinoy Pop Music na si Dingdong Avanzado at ang multi-faceted artist na si Marissa Sanchez, with The Doorbells.  

Ang front acts sa naturang concert ay sina Essa Essabagor, Zaldy Carlos, at Joan Odeh.

Ang kanyang manager na si Ms. Beth Carrasco Fabillaran ang nagkumbinse kay Laverne na magbalik-showbiz, katuwang sina Fernan de Guzman, Direk Joey Austria, Jonas Virtudazo at Suzette Recto, dahil naniniwala sila sa talent ni Laverne.

Si Laverne ay kilala noon bilang si Michelle Milan ba bukod sa pagiging singer ay nakagawa rin ng ilang pelikula at nakalabas sa ilang TV shows. 

Pinagbigyan niya noon ang kanyang ama na tumigil sa showbiz dahil against ito sa kanyang pagiging singer at aktres.

Sa aming panayam kay Laverne, nabanggit niyang sa kanya unang inalok noon ni George Canseco na kantahin ang ‘Ikaw’ na pinasikat ni Sharon Cuneta. Pati na ang kantang ‘Bakit Nga ba Mahal Kita’ na naging hit song naman ni Roselle Nava, na ang composer ay si Larry Hermoso. 

Pero, para pagbigyan ang ama na iwan ang showbiz, tinanggihan Laverne ang dalawang kantang ito.

Kinailangan din daw niyang palitan ang real name niyang Laverne sa Michelle Milan, para hindi malaman ng ama na sikreto niyang pinagpapatuloy ang gusto niyang gawin noon sa muindo ng showbiz.

Pagbabalik-tanaw niya, “Ayaw talaga ng father ko kasi gusto niya na tapusin ko muna iyong pag-aaral ko, which is tinapos ko naman pero nag-iba ako ng course. “

Paano ba siya nagsimula sa mundo ng showbiz?

Esplika ni Laverne, “Nag-start ako noong college pa ako. Nagja- jamming lang ako sa isang music bar sa Timog kasama yung brother ko. Tapos kumanta ako roon at pagbaba ko ng stage, maraming nag-offer sa akin at nagtanong kung professional singer ba ako.”

Ano ang dapat asahan sa kanyang concert?

Saad niya, “Siyempre marami kaming surprise na gagawin. Marami rin akong kakantahin doon na maririnig ninyo na ini-revive ko. Kanta siya ni Kuh Ledesma. Surprise, kailangan na manood kayo sa concert ko para marinig ninyo.”

Dagdag pa niya, “Pinaghandaan ko talaga ito for three months.” 

Ang Laverne concert ay handog ng EV at Sure Productions and Talent Management. Isa itong benefit show para sa Holy Trinity Home for Children. Produced by Elizabeth Carrasco Fabillaran, co-producers dito sina Suzette Recto at Reinhardt Mendoza. Ito ay sa ilalim ng direkyon ni Vivian Poblete Blancaflor.

Incidentally, nalaman namin kay Elizabeth Carrasco Fabillaran (producer ng concert at manager ni Laverne) na sold out na ang tickets para sa benefit show na ito.

Kaya congrats sa inyo Laverne, Ms. Elizabeth, at sa lahat ng bumubuo ng concert na ito. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …