Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jenny Miller Dr Emily Otani

Jenny Miller, sobrang thankful sa kakaibang kabaitan ni Dr. Emily Otani

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SOBRANG saya ni Jenny Miller sa birthday bash niya recently na ginanap sa Juan Carlo The Caterer.

Ang nasa likod ng engrandeng birthday celebartion ni Jenny ay si Dr. Emily Otani, isang successful Filipino businesswoman na naka-base sa Chicago, USA. Itinuturing ni Jenny na second mom si Dr Emily, na  naging malapit sa aktres noong panahon ng pandemic.

Umaapaw ang saya ni Jenny sa nasabing birthday celebration na ang coordinator ng event ay si Cathy Ebuen Ang, CEO of Events Embassy.

Masayang lahad ng aktres, “Sobrang happy dahil nandito iyong mga mahal ko sa buhay, the family, sa friends – kasi maraming commitments, may mga tapings…So, lahat nang nandito sobrang masaya ako na nakapunta, thank you, thank you sa lahat for coming, maraming salamat.”

Dapat ay surprise ang party niya, pero na-reveal din ito kay Jenny. “Yes, pero hindi na kinaya, kasi nga ay nagde-demand na si Francis (Libiran) na need na ang measurements ko. So, na-reveal na rin (ang tungkol sa surprise party).”

Nang nalaman na may ganito siyang party, ano ang naging reaction niya?

Pahayag ni Jenny, “Surprise, kasi siyempre first time kong magpa-party ng ganito.

“Normally kapag birthday ko, alam nina Ara (Mina) iyan, bar lang, inom lang tayo, let’s have fun… Basta to celebrate life lang, pero in a simple way, ganon ako noon,”

Ano ang special sa birthday niya ngayon at ganito ka-engrande?

“I don’t know, siguro special siya kasi may mga taong nagmamahal sa akin na hindi ko akalain na ganito ako kamahal. Nandyan nga si Nay Emily Otani at si bunso (Gigi), oo gift nila ito sa akin,” sambit niya.

Bakit ganoon siya kamahal ni Dr. Emily?

“Hindi ko rin alam, honestly, question mark sa akin. Hindi ko akalain… nagpakatototoo lang ako… Hindi pa kami nagmi-meet in person puro sa livestream, puro video call.”

Paano sila nagkakilala?

Esplika ni Jenny, “Sa livestream, pumasok sila sa akin sa Bigo Live, pumasok sila sa akin at nakita ko iyong avatar niya na ang ganda-ganda. So, pumasok siya sa live ko at klinik ko at sabi ko, ‘Wow ang ganda nyo naman po, puwede ko po ba kayong tawaging nanay?’ Alam nyo iyon? Tapos sabi niya, ‘Oo naman, anak, anak na kita ngayon. Gusto mo tawagin na kitang anak.’

“So since then, consistent, lagi silang nasa live ko, nagtatawagan na kami, naging deep na iyong relationships namin at tinanggap na nila ako, Sabi niya, ‘Ikaw na ang eldest ko.’ kaya ang tawag niya sa akin, si Eldest, kasi si Gigi ang bunso namin.”

Naging emotional friends sila noong pandemic nang namatay ang lola ni Dr. Emily. “Hindi ko rin akalain na magma-matter pala sa kanya iyon. Nandoon lang ako sa kanya during that time na namatay ang lola niya.

“Na hindi ko alam kung may sakit ba si Nay, nasa hospital yata? Basta,  wala siyang kasama that time kundi ako. Ilang oras kaming nag-uusap at sinabihan ko siyang matulog, pinapatulog ko siya, kasi iyak siya nang iyak, namatay si lola. Kasi lumalaki siya sa lola, lola’s girl siya, eh.”

Ano ang message niya kay Dr. Emily na animo isang fairy god mother kay Jenny?

“Sobra-sobrang pasasalamat ko sa kanila, kina Dr. Emily Otani at sa bunso namin na si Gigi. Sobang maraming-maraming salamat… Sabi ko nga kanina, hindi ko alam kung ano ang kabutihang nagawa ko para i-bless ako ng mga taong ganitong magmahal, alam mo iyon? Na ibibigay ang lahat para makita ka lang na masaya, Iyon iyong sinasabi nila lagi sa akin na, ‘Basta happy ka ate, happy kami ni mommy. So, sobrang grateful talaga ako sa kanila.'”

Si Jenny ay napanood recently sa TV series na The Fake Life ng GMA 7 at 2 Good 2 Be True ng ABS CBN na pinagbidahan ng KathNiel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …