Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez Rhea Tan Lorna Tolentino

Lorna Tolentino, suki sa A-List Avenue

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

STAR-STUDDED ang naging grand opening and ribbon-cutting ceremony ng sosyal at magarang Beautederm Corporate Headquarters. Kabilang sa ambassadors na present dito sina Lorna Tolentino, Sylvia Sanchez, Bea Alonzo, Korina Sanchez, Darren Espanto, Jane Oineza, Anna Feo, Ynez Veneracion, Boobay, at Alynna Velasquez.

2017 nagsimula si Ms. LT bilang Beautederm endorser at isa sa dahilan kaya hanggang ngayon ay bahagi pa rin siya ng kompanya ang sobrang kabaitan ng President at CEO nito na si Ms. Rhea Anicoche-Tan, 

Kuwento ng premyadong aktres, “Kasi napakabait ni Ms. Rhea, kita nyo naman kumbaga, very generous… she’s very kind, lahat ng kabutihan ay nasa kanya.

“So, nakikita mo na unti-unti rin nagpo-prosper siya, hindi ba? Iyong success niya, it’s because iyon yung parang bumabalik sa kanya. Hindi ba when you are so giving, iyon ang bumabalik, nakaka-receive ka ng magaganda? So, patuloy iyong pagtaas niya, patuloy iyong pagiging mas matatag niya bilang ano ng Beautederm. Hindi ba nag-start ito maliit pa lang, hanggang sa palaki na nang palaki, hanggang nasa ilang branches na, ilang ambassadors na. Nasa 80 na pala ang ambassadors ng Beautederm, akala ko ay 60 pa lang, mali ako, hahahaha!”

Hindi ba siya nagdalawang isip nang kinuha siya sa Beautederm?  “Hindi naman ako nagdalawang isip, kasi ang bait ni Ms. Rhea, ang sarap niyang maging boss.

“Kasi, bago niya ako kinuha ay nagkakilala na kami. Tapos, hanggang niligawan niya si Nay Lolit. Niligawan talaga si Nay Lolit, oh!” Natatawang bulalas pa ni Ms. Lorna.

Kapag napupunta siya sa A-List Avenue, idine-deduct na lang ba iyon sa TF niya?

Nakangiting sagot ni Ms. Lorna, “Hindi, binibigyan lang ako ng good discount. Tapos minsan iyong pinamili ko, may ireregalo sa akin na mas mahal pa roon sa ipinamili ko. Kaya sabi ko, ‘Okay ah,’ Korek, Ms. Rei na Ms. Rei talaga eh, hindi ba?”

Suki ba siya sa A-List Avenue?

Masayang sagot ni LT, “Yes, suki ako sa A-List Avenue at nag-aabang ako palagi ng sale, hahahaha! Kapag sinabing sale, ganyan… ididirect message ko na agad yung sa A-List, na paki-tabi naman, hehehe.”

Anyway, sa Beautederm Corporate Headquarters matatagpuan ang corporate operations ng kompanya, pati na rin ang iba pang mga negosyo na bahagi ng Beautéderm Group Of Companies gaya ng luxury store na A-List Avenue, na nagbebenta ng mga high-end fashion brands; ang BeautéHaus, na isa sa mga pangunahing aesthetic clinics sa Northern Luzon; ang AK Studios na isang state-of-the-art studio na angkop para sa mga photo shoots at video productions; at ang Beauté Beanery, na itinuturing bilang poshest fusion restaurant at café sa Angeles City ngayon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …