Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Esel Ponce Topacio

Esel Ponce balik acting via Spring in Prague

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGBABALIK sa pag-arte si Esel Ponce after niyang maging kinatawan ng Misamis Oriental sa 59th Edition ng Binibining Pilipinas.

Siya ay bahagi ng pelikulang Spring in Prague na pagbibidahan nina Paolo Gumabao, katambal ang Czech actress na si Sara Sandeva.

Mula sa panulat ni Eric Ramos at sa direksiyon ni Lester Dimaranan, kasama rin sa pelikula sina Marco Gomez, Ynah Zimmerman, at iba pa.


Ito’y mula sa Borracho Film Production ni Atty. Ferdie Topacio.

Pahayag ni Esel, “First movie na talagang makikita po ako bilang part ng cast. Hahaha! I had one before, an advocacy movie pero short exposure lang. Ito po bale yung pagbabalik ko sa acting, kasi nag-focus po muna talaga ako noon sa pageant. So this time grateful na mai-showcase ko ulit yung passion ko for acting.”

Nag-acting workshop ba siya? “Yeah I did before with Star Magic Workshops. I passed Advanced Level 2, but since nag-pandemic, di ko na naipagpatuloy. Pero sa workshops ko, somewhat same role, sa role ko now ang naibigay ni Direk Rahyan Carlos sa akin dati which really helped me sa role ko now as Kyla.”

Si Esel ay nagtapos ng BS Psychology bilang Cum Laude sa Mindanao State University-Iligan Institute of Technology. Ito ang masasabing big break niya sa pelikula.

Ano ang masasabi niya sa kanyang co-stars sa movie?

Tugon ni Esel, “Sobrang thankful po sa kanila kasi talagang tulungan yung nangyari like nakapag-bond po to be more comfortable with each other lalo na na sa scenes kailangan namin yun. Si Paolo Gumabao kasi yung lagi kong nakaka-eksena roon kaya talagang he guided me on what to do that would be better for the scenes, especially na there were times na parang naiilang pa ako, hahaha!

“So he helped me on that. Nagkaroon din kami lahat ng solid talaga na friendships. Thankful din na Paolo Gumabao assisted me sa scenes namin since lahat ng scenes ko rito were with him.”

Dagdag pa ng dalaga, “Kaya rito, very honored and grateful na maging part sa movie na ito lalo na very accommodating ang prod and inalalayan talaga kami sa scenes namin. Direk Lester, Direk Jose Abdel Langit, and Direk Paolo Magsino were very hands-on.

Inusisa rin namin kung ano ang role niya sa movie?  “Ako si Kyla sa movie, I was totally different there, not Esel at all. She fell in love with Alfie (Paolo) kasi, kaya she wanted so much to get near Alfie. Kyla is a tourist who stayed in a hotel managed and owned by Alfie. Doon niya nakilala niya si Alfie at sobra siyang na-inlove dito. Iyan lang po muna puwede kong masabi, hahaha!” Nakatawang sambit pa niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …