ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
SUMABAK sa malupet na romansahan si Rez Cortez sa pelikulang Mang Kanor na showing na ngayon sa AQ Prime streaming app.
Tampok ang veteran actor sa pelikulang ito bilang si Mang Kanor at kasama niyang sumabak din sa matinding lampungan dito sina Nika Madrid, Emelyn Cruz, Seon Quintos, at Rob Sy, with Via Veloso, Rain Perez, Atty. Aldwin Alegre, Carlo Mendoza, John Flores, at Joni McNab.
Ang latest movie sa AQ Prime na kargado sa mga maiinit na eksena ay mula sa pamamahala ni Direk Greg Colasito.
Nagdalawang isip ba siya na tanggapin ang Mang Kanor dahil sa matitinding love scenes na kailangan niyang gawin dito?
Tugon ni Rez, “Nag-usap naman kami ni Direk Greg, inalam ko kung ano iyong istorya at kailangan may script. At sinabi ko naman ang parameters ko when it comes to mga sex scenes.
“At napag-uusapan naman lahat iyan, eh, Hindi naman sila gumawa ng hindi ayon sa aking pagkaka-alam at walang problema sa working relationships dahil sa may tiwala kami sa bawat isa.”
Ipinahayag naman ni Direk Greg na ang Mang Kanor ay base sa viral video scandal ng isang senior citizen noong 2018, na during that time ay very controversial talaga. Pero kahit na animo piyesta sa mga pasabog, maiinit, at wild na sex scenes ang pelikula, may mapupulot na aral dito.
Ang Mang Kanor ay mapapanood na sa AQ Prime App ngayong. Download lang ang AQ PRIME app sa mga sumusunod:
Huawei: https://appgallery.huawei.com/app/C107049473
iOS: https://apps.apple.com/ph/app/aq-prime/id1636308861
Android: https://play.google.com/store/apps/details?id=com.aqprime.aqprime