Thursday , June 4 2026
SAF 44 National Day of Remembrance bulacan

Bulacan cops ginunita ang Fallen SAF 44 sa National Day of Remembrance

PARA sa National Day of Remembrance ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF), ang Bulacan Police Provincial Office ay nagdaos ng Remembrance Ceremony kahapon, Enero 25, 2023, sa  Camp General Alejo S Santos sa Lungsod ng  Malolos, Bulacan, na may temang “Legacy of Heroes: Inspiration for Future Generations.”

Ang wreath-laying ceremony ay pinangunahan ni Bulacan provincial director Police Colonel Relly  Arnedo at Mr. Rey Kibete, na kapatid ng namayapang si PO3 Junrel Kibete, isa sa miyembro ng  SAF 44 na nakapatay sa Malaysian terrorist at bomb maker na si Zulkifli bin Hir, alyas Marwan, noong Enero 25, 2015, sa isinagawang counterterrorism operation sa Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao.

Sa nasabing event, ang mensahe mula kay C,PNP, PGeneral Rodolfo Azurin Jr. ay ipinarating din na may taos sa pusong personal na mensahe.

Binigyang-diin ni PD Arnedo na huwag kalilimutan ang ipinakitang tapang at pagkamakabayan ng SAF 44 sa  isinagawang terrorist operation sa Mamasapano. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …