Friday , November 15 2024
Arrest Posas Handcuff

Puganteng rapist at kilabot na kawatan, timbog

Dalawang lalaki na kabilang sa most wanted person sa Bulacan ang magkasunod na naaresto sa patuloy na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Unit (SACLEO) ng pulisya sa lalawigan kamakalawa.

Batay sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, ang mga tauhan ng SJDM CPS ay arestado ang Most Wanted Person (MWP) sa city level ng SJDM City na si Raine Aajonus Gaviola.

Ang naarestong akusado ay wanted para sa kasong Statutory Rape (two counts), sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 5-FC, CSJDM, Bulacan na walang itinakdang piyansa.

Kasunod nito, ang mga tauhan ng Pulilan MPS katuwang ang Bulacan-RIU3 ay naaresto si Jhon Edward Zapata, 22-anyos, ng  Tarcan, Baliwag.

Si Zapata ay kinilalang assistant leader ng Zapata Criminal Group, na kilala sa robbery at iligal na droga, at kabilang sa  PDEA Top 10 Target List at Provincial High Value Individual (HVI).

Ang naarestong akusado ay wanted para sa krimeng Robbery in an Uninhabited Place o ang Private Building (RPC ART. 302) sa bisa ng warrant na inilabas ng Municipal Trial Court sa Cities Branch 1, Lucena City, Quezon.

Kaugnay pa rin sa ulat, na 23 katao na pinaghahanap ng batas ang naaresto sa mga serye ng pursuit operations na inilatag ng tracker teams ng 2nd PMFC, Angat, Bulakan, Bustos, Calumpit, Malolos, Meycauayan City, Plaridel, Pulilan, Sta. Maria, Obando, Bocaue, Plaridel, at San Miguel C/MPS.

Gayundin, 17 personalidad sa droga ang arestado sa mga serye ng anti-illegal drug operations na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Bocaue, Malolos City, Marilao, Meycauayan City, Pulilan, San Miguel, SJDM City, at Sta. Maria C/MPS.

Nasamsam sa mga suspek ang kabuuang 67 pakete ng pinaghihinalaang shabu, 5 pakete ng  marijuana, na tinatayang may drug-value na PhP 143,912.00, mga drug paraphernalia at buy-bust money. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …