Monday , December 23 2024
Bulacan Police PNP

20 law violators sa Bulacan inihatid sa kulungan

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ng mga awtoridad ang 20 kataong pawang may mga paglabas sa batas sa lalawigan ng BUlacan sa pagpapatuloy ng pinaigting na operasyon kontra kriminalidad nitong Miyerkoles, 18 Enero.

Naunang nadakip ang pitong indibiduwal na sangkot sa ilegal na droga sa ikinasang buybust operations ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Balagtas, Marilao, at San Jose del Monte C/MPS, at Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU).

Nasamsam sa operasyon ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang kabuuang 17 pakete ng hinihinalang shabu, coin purse, at buybust money.

Kasunod nito, naaresto ang walong sugarol sa inilatag na anti-illegal gambling operations na pinamunuan ng mga operatiba ng Pulilan MPS.

Naaktuhan ang mga suspek sa pagsusugal ng tong-its at nakumpiska mula sa kanila ang tangkas ng baraha at perang taya sa iba’t ibang denominasyon.

Samantala, sa pagresponde ng mga awtoridad ng Hagonoy, Malolos at Pulilan C/MPS sa iba’t ibang insidente ng krimen, nasakote ang tatlong kataong napag-alamang may kasong criminal.

Kinilala ang mga suspek na sina Warren Driza ng Brgy. Sumapang Bata, Malolos, para sa kasong Frustrated Homicide; Jeffrey Diaz ng Brgy. Poblacion, Pulilan para sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act) at Alarm & Scandal; at alyas Itik mula sa Hagonoy, Bulacan para sa paglabag sa RA 8353 (Anti-Rape Law) alinsunod sa RA 7610 (Child Abuse Law).

Gayundin, tiklo ang pitong kataong wanted sa batas sa iba’t ibang manhunt operations na isinagawa ng tracker teams ng Baliwag, Marilao, at San Jose Del Monte C/MPS, at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kasama ang mga elemento mula sa Plaridel, Pulilan MPS at 301st MC RMFB3.

Nadakip ang mga suspek para sa mga krimeng Qualified Theft; Less Serious Physical Injuries; Estafa; at paglabag sa  RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children).

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang mga arresting unit/station ang mga naarestong suspek para sa nararapat na disposisyon.

Pahayag ni P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang kapulisan sa lalawigan ay patuloy sa walang humpay nitong pagtugis sa mga kriminal at mabitbit ang mga ito sa kulungan ng hustisya. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …