Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rochelle, feeling sikat na nga ba? (Pagpapa-pictureng isang bagets sa kanya, tinanggihan)

NAHABAG naman ako sa nangyaring hindi maganda sa isang bagets na gusto lamang magpakuha ng picture kasama ang dating member ng SexBomb Girls na si Rochelle Pangilinan.

Ayon sa nakasaksi sa pangyayari, ang batang tinanggihan ni Rochelle ay anak ng dati niyang kasamahan na miyembro ng Danz Focus. In-approach daw ng parents ni bagets si Rochelle para magpa-picture ang bata dahil super fan daw ito ng mananayaw. Pero ang sagot ni Rochelle, ‘wala siya sa mood’.

Medyo napahiya ang dancer ng Danz Focus sa kanyang anak dahil buong ipinagmamalaki pa naman nito na friend niya si Rochelle dahil nga kasabayan niya iyon sa pagsasayaw. Kumbaga, ka-batch niya.

Anyway, bago ito, may hindi raw kasi magandang nangyari kay Rochelle sa birthday party ng isa ring SexBomb dancer na si Aira. Ginanap ang birthday ni Aira sa isang private place na may swimming pool. Bagamat super pagod daw si Rochelle ay nagawa pa rin nitong dumalo sa naturang birthday party.

Dahil swimming party iyon, hindi nagawang makipagsaya gaano ni Rochelle dahil bukod sa pata ang katawan (may rehearsal daw kasi ito ng buong maghapon ng araw na iyon para sa Sunday show ng GMA), hindi siya puwedeng magbabad sa tubig. Kaya naroon lamang iyon sa isang tabi.

Pero nang tumayo ito at madaanan si Krista Miller (isa sa mga bisita ni Aira), itinulak nito si Rochelle sa pool. Nagalit siyempre si Rochelle dahil nabasa siya. Kaya naman kinausap niya si Krista sa isang tabi at ang sumunod nang eksena ay hinihila na rin ito ni Rochelle patungong pool at inihulog ang hitad.

Nang mahulog si Krista sa pool, nasabi raw ni Rochelle na, “Okey na ako.” Na siguro ang ibig sabihin ay nakaganti na siya.

Nang maging okey na ang lahat, in-approach ng parents ni bagets si Rochelle para magpa-picture pero sad to say, tumanggi nga ito.

Naintindihan naman ng dati niyang kasamahan na may hindi nangyaring hindi maganda kay Rochelle, pero sana naman daw pinagbigyan man lang ang bata. Sandali lang naman daw iyong pagpapa-picture.

Dahil sa nangyari, may nakapagkomento tuloy na feeling sikat na raw ba itong si Rochelle kaya ganoon na ang attitude?

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …