Monday , December 23 2024
arrest prison

2 wanted arestado sa Bulacan

MAGKASUNOD na nadakip ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan ang dalawang lalaking matagal nang pinaghahanap ng batas kaugnay sa mga kasong nakasampa laban sa kanila.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, naaresto ng mga operatiba ng Bulacan PPO ang suspek na kinilalang si Ronald Maranan, nakatala bilang regional most wanted person sa PRO4-A.

Nabatid, matapos sampahan ng kasong rape sa hukuman, nagpagkatago-tago ang akusado hanggang masukol ng mga awtoridad sa kanyang pinagtataguan sa Bulacan.

Inaresto si Maranan sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape na inilabas ni Presiding Judge Corazon Domingo-Ranola, ng Malolos City RTC Branch 10, may petsang 11 Marso 2014.

Kasunod nito, nasakote ng mga tauhan ng Bulacan PPO si Christian San Pedro, nakatala bilang rank no. 1 most wanted person  sa lalawigan.

Naaresto si San Pedro sa bisa ng warrant of arrest sa kasong robbery na inilabas ni Presiding Judge Lyn Llamasares-Gonzales ng Malolos City RTC Branch 78. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …