KINASUHAN ng pulisya ang isang negos-yanteng Chinese at isang ‘mama san’ na nagpapatakbo ng isa sa pinakamalaking prostitution den sa Sta. Cruz, Maynila.
Sa report ni P/Chief Inspector, Atty. Dennis L. Wagas ng MPD General Assignment Section, kasong qualified trafficking o paglabag sa Republic Act 10364, mas kilalang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 ang isinampa sa Manila City Prosecutor’s Office laban kay Eddie Dy, alyas Qingli Li.
Bukod kay Dy, may-ari ng Asia Music Lounge, umano’y protektado ng ilang mata-taas na opisyal ng pa-mahalaan, dawit din sa kaso ang mama san na si Jaycee Santos, ng Velasco St., Sangandaan, Caloocan City.
(LEONARD BASILIO)