Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joana David, palaban sa love scene sa Vivamax movie na Pamasahe

Joana David Boss Vic del Rosario

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG newbie sexy actress na si Joana David ay may buwena manong pasilip sa pelikulang Pamasahe. Ito kasi ang fist movie ni Joana at napasabak agad siya rito sa matinding love scene.

Ayon kay Joana, gumaganap siya sa pelikulang ito na pinagbibidahan ni Azi Acosta, bilang isang prostitute.

Pahayag niya, “Actually, noong una ay kinabahan ako kasi first movie ko ito, pero hindi na ako nailang pa, bagkus ay ginalingan ko na talaga. Kaya take one lang ang sex scene ko dahil sabi ni direk Roman, palaban daw ako dapat.”

Esplika ng seksing-seksing talent ni Lito de Guzman. “Si Alvaro Oteyza ang ka-love scene ko rito, ang role ko rito ay si Cindy, bale isang pokpok na ipinapadala sa barko para sa mga seaman… ako ang nagbibigay aliw sa kanila, hahaha! Quotang-quota nga ako sa kanila, e hahaha!” Pahalakhak na saad ng aktres.

Pahabol ni Joana, “Isa lang po ang love scene namin sa movie, pero sa palagay ko ay exciting po ito… bale,  iba-iba ang position na ginawa namin ni Alvaro, e.”

Ano sa palagay niya ang mararamdaman ng mga makapapanood ng Pamasahe, kapag nakita nila ang mainit na love scene niya rito?

“Nasa kanila na ‘yun kung ano iisipin nila, pero trabaho lang talaga ito. Pero sa tingin ko po ay mag-iinit ang viewers at mag-e-enjoy sila, lalo na ‘yung mga mahihilig na boys, hehehe!” Masayang pakli ni Joana.

Tampok din sa Pamasahe sina Mark Anthony Fernandez, Felix Roco, Julio Diaz, Rash Flores, AJ Oteyza, Chadd Solano, Shiena Yu, Shirley Fuentes, at marami pang iba.

Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Roman Perez, Jr. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …