Sunday , December 22 2024
Micaella Raz bata pa si sabel

Micaella Raz, katawan nabugbog sa Bata Pa si Sabel

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PALABAS na ngayong December 2 sa Vivamax ang pelikulang Bata Pa Si Sabel na tinatampukan ni Micaella Raz .

Biktima ng karahasan dito si Micaella mula sa mga taong mayayaman at makapangyarihan. Kaya minarapat niyang maghiganti upang makamit ang sariling hustisyang minimithi.

Nabanggit ng aktres ang kinaharap na challenge habang ginagawa ang kanilang pelikula.

Kabilang dito ang pagsabak ng aktres sa matitinding fight scene at madugong action scenes.

Pahayag ni Micaella, “Medyo nahirapan ako sa training at saka sa pagtuturo sa akin ni Tito Julio roon sa eksena. Kasi, talagang bugbog ang katawan ko roon, kaya ayaw ko rin nang nagpapa-double, gusto ko ay ako iyon.

“Parang… gusto kong maramdaman talaga si Sabel, kaya ayaw kong magpa-double. Mahirap din po, pero napadali naman ng buong Centerstage productions.”

Ano ang na-realize niya matapos mapanood ang kanilang pelikula?

Sambit ni Micaella, “Ako po ang na-realize ko after watching Bata Pa Si Sabel, hindi lahat ng kaibigan mo ay totoo sa iyo. Hindi lahat ng taong nakaharap sa iyo ay mapagkakatiwalaan mo, dahil minsan ay sila pa ang magbe-betray sa iyo.”

Ang Bata Pa Si Sabel ay mula sa pamamahala ni Direk Reynold Giba, na created naman ni Direk Brillante Mendoza.

Tampok din dito sina Gardo Versoza, Katya Santos, Angela Morena, Benz Sangalang, Julio Diaz, JC Tan, Rey Abellana, Stephanie Raz, Rash Flores, at iba pa.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …