Monday , December 23 2024
dead gun police

Aresto nauwi sa enkuwentro, 2 suspek todas, 2 pulis sugatan,

TODAS ang dalawang miyembro ng isang criminal gang habang naaresto ang apat nilang galamay nang mauwi sa enkuwentro ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa isa sa kanila ng mga tauhan ng 3rd Maneuver Platoon, Bulacan 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa Brgy. Maligaya, sa bayan ng San Miguel, nitong Lunes ng madaling araw, 28 Nobyembre.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang napatay na suspek na si Rommel Suarez, miyembro ng Salvador Criminal Group at nakatala bilang High Value Individual (HVI) ng Nueva Ecija para sa kasong paglabag sa Section 5 Article II ng RA 9165 (Dangerous Drugs Act), samantala napaslang rin ang isa niyang kasama na patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan.

Gayon pa man, arestado ang apat na galamay ni Suarez na kinilalang sina Fernando Perez at Reynier Dela Cruz, kapwa residente sa nabanggit na barangay; at Shierlyn Anne Pangilinan ng Gapan, at Rowena Daquiz ng Cabiao, parehong sa lalawiagan ng Nueva Ecija.

Batay sa ulat mula sa San Miguel MPS, nang dumating ang mga awtoridad sa nabanggit na lugar upang isilbi ang warrant of arrest, imbes sumuko ay pumalag ang mga suspek at pinaputukan ang mga pulis na napilitang gumanti, nagresulta sa pagkamatay ni Suarez at ng isa niyang kasama.

Samantala, sugatan ang dalawang pulis na kinilalang sina P/Cpl. Richard Neri at Pat. Aaron James Ibasco ng Bulacan 2nd PMFC 3rd Maneuver Platoon na agad nadala sa pagamutan upang malapatan ng atensiyong medikal.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala at mga baril na ginamit ng mga suspek, pakete ng hinihinalang shabu, at drug paraphernalia.

               Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Miguel MPS ang mga nadakip na suspek para sa imbestigasyon sa posibleng pagkakaugnay sa Salvador Criminal Group na sinasabing sangkot sa robbery at illegal drug operations sa Central Luzon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …