PINAG-IBAYO ng San Miguel Corporation (SMC) ang pagbibigay ng kabuhayan at pagkakataong makapagnegosyo ang halos 500 pamilya sa bayan ng Bulakan, lalawigan ng Bulacan matapos buksan ang isang livehood center at pormal na pagbubuo ng consumers’ cooperative habang patuloy ang trabaho sa itatayong New Manila International Airport (NMIA).
Sa pamamagitan ng San Miguel Aerocity Inc. (SMAI) Livelihood Center, ang mga residente ng Bulakan na dating naninirahan sa project site ng NMIA ay mabibigyan ng training at agarang magagamit ang kanilang natutuhang kasanayan upang kumita para sa kanilang pamilya sa livelihood center na matatagpuan sa Brgy. San Nicolas, Bulakan.
“Our continuing efforts to engage residents and local officials in Bulakan has allowed us to fine-tune our existing livelihood restoration programs, as well as come up with new initiatives that will adapt to their needs,” wika ni SMC President at Chief Executive Officer Ramon S. Ang.
“With these, we can better ensure that the economic growth that the NMIA will bring in the coming years, will be inclusive and will be felt by Bulacan residents and the rest of the country,” dagdag ni RSA.
Ang SMAI Livelihood Center ay naitatag sa pakikipagtulungan ng SMAI, Bulacan provincial office ng Technical Education Skills and Development Authority (TESDA), Department of Trade and Industry (DTI), at Gintong Aral Foundation.
Ang pagbubukas ng SMAI Livelihood Center ay pinangunahan ni SMAI Project Lead Cecile Ang at Bulakan Mayor Vergel Meneses kasabay din ng pagbuo sa Livelihood sa Pag-unlad (LIPAD) consumer cooperative.
Sa pamamagitan ng LIPAD consumer cooperative na bunga ng pagtutulungan ng SMAI at Gintong Aral ay bibigyan ng kasanayan at kaalaman ang mga miyembro nito sa pagpapatakbo ng kooperatiba upang sama-samang mapaunlad ang negosyo at kumita ito.
Sa tulong ng Gintong Aral, ang mga residente ay magbubuo ng consumers’ cooperative na magpapatakbo ng mga negosyo, kasama rito ang coffee shop, spa, patahian, at iba pang training areas para bigyan ng praktikal na kasanayan ang mga miyembro ng komunidad para magkatrabaho at magkaroon ng sariling negosyo.
“We want to put our residents in a position to succeed through sustainable ventures that will ensure that they will be able to provide sustainably for their families. It is not enough that we provide skills and help them develop their entrepreneurial mindset. By pooling their resources together through a cooperative setup, each member claims a stake in their collective success,” wika ni Ang.
Mainit na tinanggap ng mga residente na natulungan ng housing program ng SMAI ang naturang livelihood center at kooperatiba.
“Malaking tulong po itong livelihood center at ang mga training na sinalihan naming mga residente. Nagbibigay po ito ng bagong pag-asa para po sa amin dahil karamihan sa amin ay hindi nakapag-aral,” wika ni Alejandra Libao, 47, na siyang nahalal na pinuno ng kooperatiba.
“Malaki pong pagsubok sa aming lahat itong pagpapatakbo ng kooperatiba. Nabanggit nga po namin sa aming mga trainer na alagaan namin itong kooperatiba para makasabay kami kapag tumatakbo na po ang paliparan dito sa amin,” aniya.
Noong nakaraang buwan ay nakipagtulungan rin ang SMC sa Nazarene Compassionate Ministries (NCM) para sa mushroom farming and processing project na nakatulong sa 70 pamilya sa Bulakan.
Sa ilalim ng programang ito ay may siguradong kita ang mga relocatees at 12 pamilya na nagpapalaki ng mushroom o kabute sa kanya-kanyang bahay.
Ang mga benepisaryo ay umaani ng 40 kilo ng kabute kada linggo at inaasahang tataas pa ang kanilang kita sa paggawa ng mga produkto tulad ng mushroom chicharon, burgers, at sisig. (MICKA BAUTISTA)