Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marcos Mamay Gabby Concepcion Bongbong Marcos

Mayor Mamay, VP ng League of Municipalities of the Phils., life story tatampukan ni Gabby Concepcion

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG mayor ng Nunungan, Lanao del Norte na si Marcos Mamay ay nahalal unanimously bilang League of Municipalities of the Philippines (LMP) national vice president for external affairs noong Sept. 29 sa Metrotent Convention Center sa Pasig City.

Si Mayor Joseph Bernos ng La Paz, Abra ang nahalal bilang president. Ang bagong set ng LMP officers with a term from 2022 to 2025 ay nanumpa kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., noong Sept. 30 sa Malacañang.

Maraming proyekto si mayor, isa na rito ang i-promote ang turismo, nabanggit niyang kailangan na kasabay nitong maayos ang peace and order. Proud naman niyang nabanggit na stable ang peace and order sa kanyang nasasakupan.

Nalaman namin na siya rin ang Executive Adviser ng Actor’s Guild of the Philippines.

Pahayag ni Mayor Mamay, “Ako naman hindi naman sa pagyayabang, as an Executive Adviser of Actor’s Guild of the Philippines, advantage sa akin iyan. Kasi from time to time ay dinadala ko ang mga artista roon sa amin, kaya kahit paano naipo-promote rin kung ano ang mayroon kami, like sina Ken Chan, Teejay Marquez, Ahron Villena at iba pa.

“Yes, puwede naming i-offer sa mga gumagawa ng pelikula itong Lanao.”

Kaabang-abang ang gagawing life story ng masipag na public servant na planong pamahalaan ni Direk Neal Buboy Tan.

Wika ni Mayor Mamay, “Magpo-produce po tayo ng two or three movies. In fact, uunahin namin iyong title na Lanao, that is partly… parang life story ko po ito. Doon po isu-shoot iyan, karamihan ay sa Nunungan, Lanao del Norte.

“Isa po sa nakikita naming gaganap dito ay si Gabby Concepcion, with Sanya Lopez, si Ken Chan din, at iba pa.”

May special participation ba siya sa pelikulang tatampukan ni Gabby?

“Possible po,” nakangiting pakli ni Mayor Mamay.

Ang isa pang posibleng gawing pelikula ni Mayor Mamay ay ang tatampukan ng kaibigan niyang si Senator Robin Padilla.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …