Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

P149-K shabu nasabat 2 tulak timbog, 10 pa naiselda

TINATAYANG nasa 22 gramo ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa dalawang pinaniniwalaang mga notoryus na tulak sa pagkilos laban sa krimen ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Miyerkoles ng umaga, 12 Oktubre.

Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PNP, inaresto ang dalawang suspek sa buy-bust operation na ikinasa ng mga operatiba ng Calumpit MPS sa Brgy. Pungo, sa bayan ng Calumpit.

Kinilala ang mga suspek na sina Percival Principe, alyas Jet ng Brgy. Inaon, Pulilan; at Louie Dimla ng Brgy. Iba O’Este, Calumpit.

Nakompiska mula sa mga suspek ang isang itim na pouch na naglalaman ng pitong pakete ng hinihinalang shabu, may timbang na 22 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P149,000; at buy-bust money. 

Gayondin, nasukol ang sampu pang personalidad sa droga sa iba’t ibang anti-illegal drug operations na isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng mga police stations ng Angat, Guiguinto, Malolos, Norzagaray, at Obando katuwang ang mga tauhan ng  SOU 3, PNP DEG.

Narekober sa operasyon ang kabuuang 27 pakete ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, coin purse, kaha ng sigarilyo, at buy-bust money. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …