Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Hershie de Leon Ayanna Misola

Hershie de Leon, makikipagtalbugan kay Ayanna Misola sa pagpapa-sexy sa Bugso?  

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

HABANG nasa kasagsagan ng shooting ng pelikulang Bugso ay nakipag chat kami kay Hershie de Leon.

Tampok sa Bugso ang Urian Best Actor na si Sid Lucero at Ayanna Misola. Mula sa pamamahala ni Direk Adolfo Borinaga Alix Jr., ito’y hatid ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo.

Ipinahayag ni Hershie ang kasiyahan sa pagiging bahagi ng pelikulang ito, na masasabing isa siya sa mga bida.

Wika niya, “So far ito po ang masasabing biggest break ko, kaya masaya po ako dahil naging part ako ng Bugso.”

Game ba siyang makipagsabayan kay Ayanna sa pagpapa-sexy?

“Hindi naman po ito ang first time namin na magkasama ni Ayanna sa isang movie, sa Putahe po, roon kami unang nagkasama,” pakli ng magandang aktres.

Kumusta katrabaho noon si Ayanna sa Putahe? “Okay naman po, tahimik po siya at hindi siya masyadong palaimik,” matipid na pahayag ni Hershie.

May patalbugan bang mangyayari sa kanila ni Ayanna sa pagpapa-sexy sa Bugso?

Nakangiting tugon ni Hershie, “Wala pong patalbugan, mas okay po kasi kung magtutulungan kami para mas gumanda pa ang movie namin.”

Incidentally, si Hershie ay mapapanood din sa pelikulang Fall Guy na mayroon siyang mainit na love scene sa lead actor nitong si Sean de Guzman.

Kaabang-abang ang husay ni Sean sa pelikulang Fall Guy ng 3:16 Media Network at Mentorque Productions, at inaasahang patuloy na hahakot ng acting awards dito ang guwapitong aktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …