KAHIT malapit ng lubugan ng araw ay nagagawa pa ng isang lolo na gumawa ng masama sa pamamagitan ng pagbebenta ng iligal na droga pero hindi ito nakaligtas sa mata ng mga awtoridad na kumalawit sa kanya sa Sta.Maria, Bulacan kamakalawa.
Sa ulat na ipinadala ni PLt.Colonel Christian Balucod, acting chief of police ng Sta.Maria Municipal Police Station (MPS) kay Police Colonel Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PNP, ang mga tauhan ng SDEU ng naturang istasyon katuwang ang SOU3 PDEG ay nagkasa ng buy-bust operation sa Brgy. Poblacion, Sta.Maria, Bulacan.
Nasukol sa isinagawang operasyon si Maximo Dela Cruz y Velasquez alyas Mon, 67-anyos na residente ng Brgy. Grace Ville, San Jose del Monte City, Bulacan.
Nakumpiska sa pag-iingat ni alyas Mon ang 13 pirasong pakete ng plastic na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, may timbang na 85 gramo at may street value na PhP 578, 000.00.
Napag-alamang matagal sinubaybayan ng mga awtoridad ang kilos ng suspek na ginagawang front ang katandaan para makapagbiyahe ng shabu sa Sta.Maria at mga karatig-lugar.
Kasalukuyang inihahanda na para isangguni sa korte ang kasong paglabag sa Sec.5 at Se.11, Art II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Act of 2002) laban sa suspek. (MICKA BAUTISTA)