MAHIGIT P1-M halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad habang tatlong tulak ang naaresto sa Olongapo City kamakalawa.
Sa ulat mula kay PRO3 Regional Director PBGeneral Cesar R. Pasiwen, ang magkasanib na mga elemento ng CPDEU, PS-3 SPDEU, SOU 3 PNP DEG, at OCMFC ay nagkasa ng anti-illegal drugs operation sa Brgy. New Asinan, Olongapo City.
Naging matagumpay ang operasyon na nagresulta sa pagkaaresto kina Jayvee De Jesus y Afo alyas Jayvee, 31, residente ng Bajac-Bajac, Olongapo City ; Ramon Monzaga y Raagas alyas Kang, 31, residente ng Amagis St., Mabayuan, Olongapo City; at Ronna Marie Dela Vega y Acheta aka RM, 32, na residente naman ng Gordon Ave., New Asinan, Olongapo City.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang limang piraso ng pakete ng plastic ng shabu, may timbang na 150 gramo at may DDB value na Php1,020,000.00 at Php 1,000.00 bill na marked money.
Nararapat na kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 of Art II ng R.A. 9165 ang isasampa laban sa tatlong suspek na inihahanda na sa korte. (MICKA BAUTISTA)