Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ashley Aunor, PMPC Star Awards for Music

Ashley Aunor, inspirational ang latest single na Money Loves Me 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

INUSISA namin ang talented na singer/songwriter na si Ashley Aunor kung ano ang latest news sa kanya.

Kuwento niya sa amin, “Yes po, may bago akong single, I’m promoting right now my single na Money Loves Me. Actually, I’m coming out with another single rin po after this one, bandang October.”

Nabanggit ng bunsong anak ni Ms. Lala Aunor ang ukol sa kanyang latest single.

Wika ni Ashley, “Parang may manifestation po ‘yung song na parang ina-attract ‘yung money para bumalik po iyong luck, magkaroon ng luck iyong mga listeners, not just me.

“So, iyon po talaga ang mina-manifest ng song dahil alam naman natin ang nangyari sa marami sa atin dahil po sa pandemic.”

Bakit pumasok sa isip niyang sulatin ang kanta?

“Kasi, naniniwala po ako sa law of attraction, manifestations, na parang kapag nag-believe ka po sa isang bagay, like for example, you just claim that you’re going to receive this much money, na blessings from the Lord, nangyayari po talaga,” wika pa niya.

Ano ang dapat i-expect ng followers niya sa kanyang new single?

“Well, it’s different doon sa rock era, novelty rock era ni Cool Cat Ash,” nakangiting sambit niya.

Pagpapatuloy ni Ashley, “This is more of like ‘yung kung ano po iyong saloobin ko during the pandemic na sobrang walang nangyayari sa mga businesses, like walang pumapasok na pera, walang pumapasok masyado na blessings at lahat ng tao ay depressed…

“Ngayon, nagkaroon po ako ng inspiration na… just to bring happiness to people and at the same time ay ma-encourage ang mga people na this is not the end para sa atin. Na makababalik din tayo sa normal and to help us all… just have faith na everything will be better.

“So, nandoon po ‘yung faith in God, faith in yourself, na dapat ay always positive lang po ang pananaw natin sa buhay.”

Inspirational song  bale ito?

“Yes po, inspirational song ito, pop po siya na parang danceable siya. So, medyo electronic-hip-hop pop… na parang tulad ng mga naririnig po natin sa Tiktok na puwedeng sayawin at puwedeng pang-sing-along, ganoon,” lahad ni Ashley.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …