Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Njel de Mesa The Miranda Bomb

Direk Njel de Mesa, pasabog ang short film na The Miranda Bomb               

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SA panahon na nagkalat ang fake news, maraming mapupulot ang netizens sa isang mahalagang kabanata ng ating kasaysayan via the short film na The Miranda Bomb.

Ito ay isinulat ng Palanca award winning writer na isa ring direktor/producer at MTRCB board member na si Direk Njel de Mesa, upang magpa-alala kung paano nagkawatak-watak ang mga Filipino noong 70’s hanggang ngayon.

Ang proyektong ito ang pagbabalik-showbiz ni Cheska Ortega na gumaganap ng pangunahing papel dito. Si Cheska ay dating ka-love team ni Sam Concepcion.

Ang pelikula ay halaw sa mga ibinunyag nina Victor Corpuz at Ruben Guevarra, ang kuwento tungkol sa isang foreign correspondent na nakakalap ng impormasyong nais pabagsakin ang noo’y pamahalaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at palabasin na siya ang nagplano ng pagbomba sa plaza,

Ito ang ikatlong pelikula na inilabas ni Direk Njel ngayong taon, matapos ang matagumpay na release ng kanyang Al Coda, starring Gerald Santos at Marion Aunor, Coronaphobia, na  tampok sina Daiana Menezes, Will Devaughn, Paolo Paraiso, at iba pa.

Nakatakda rin gawin ni Direk Njeal ang Subtext, kasama sina Ciara Sotto & Paolo Contis, at ang Ghost Informants with Nick Banayo, Ynez Veneracion, Dennis Padilla, etc.

Bitin ang mga nakapanood sa short film na The Miranda Bomb at hiling nila ay magkaroon na agad ito ng kasunod. Pero nagpahiwatig si Direk Njeal na tila posibleng maging series ito dahil interesting talaga ang nasabing short film.

Bukod kay Cheska, tampok din sa pelikula sina Ivan Padilla, Johnny Revilla, Njel de Mesa, Suzette Ranillo, Paolo Paraiso, Shaneley Santos, at Kay Kuijpers.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …