Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Police PNP

No. 5 most wanted ng Bulacan nasukol sa Misamis Oriental

NAGBUNGA ang pagsisikap ng mga awtoridad na mabigyan ng hustisya ang isang babaeng ginahasa sa Bulacan nang maaresto ang salarin sa pinagtataguan niya sa Misamis Oriental nitong Martes, 13 Setyembre.

Nakipag-ugnayan ang mga operatiba ng Regional Intelligence Unit 3 at intelligence personnel ng Bulacan PPO sa mga awtoridad mula sa PRO10 sa pagsasagawa ng manhunt operation sa Brgy. Agay-ayan, Gingoog, Misamis Oriental.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakadakip sa suspek na kinilalang si Elmer Ayuma, 28 anyos, residente ng Mataas na Kahoy, Upper Friendship Village Resources (FVR), Norzagaray, Bulacan, na nakatala bilang No. 5 Most Wanted Person ng Central Luzon..

Inaresto si Ayuma sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Qualified Statutory Rape na inisyu ni Presiding Judge Christina Geronimo Juanson ng San Jose del Monte RTC Branch 5-FC  na walang itinakdang piyansa.

Nabatid na pangunahing suspek si Ayuma sa panggagahasa sa isang alyas ‘Clarissa’ noong Nobyembre 2021 sa Norzagaray, Bulacan, na nagtago hanggang maaresto sa Misamis Oriental. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …