Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Philracom Horse Race

Paborito si Mommy Caring

MARKADO sina Mommy Caring at Cam From Behind sa magaganap na 2022 PHILRACOM “Sampaguita Stakes Race” na aarangakada sa Metro Turf, Malvar – Tanauan City, Batangas ngayong araw ng Linggo.

May distansiyang 2,000 meter race, makakatagisan ng bilis nina Mommy Caring at Cam From Behind ang mga tigasing sina Doktora, Isla Puting Bato, O Sole Mio at La Liga Filipina.

Rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jessie Basilio Guce si Mommy Caring na pag-aari ni James Anthony Rabano habang si class A rider Kelvin Abobo ang gagabay kay Cam From Behind na pambato naman ni horse owner Melaine Habla.

Nakalaan ang garantisadong P2 milyong premyo na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, kokobrahin ng mananalo ang P1.2 milyon sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli de Leon.

Susungkitin ng second placer ang P450,000 habang tig P250,000 at P100,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod sa karerang mga babaeng kabayo lamang ang makasasali.

Mag-uuwi rin ang breeder ng winning horse ng P100,000 habang P60,000 at P40,000 ang second at third.

Noong nakaraang taon, si Sky Shot ang nagwagi sa nasabing prestihiyosong karera.

Si Princess Eowyn naman ang nakapagtala ng back-to-back Sampaguita Stakes Race champion noong 2019 at 2020. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …