Friday , November 15 2024

Sa Subic
BEBOT NA DRUG DEN OPERATOR NAKALAWIT;
4 KASABWAT NASAKOTE

ISANG buy bust operation ang ikinasa sa Purok 4, Barangay Matain, Subic, Zambales kamakalawa na nagresulta sa pagkaaresto ng pinaghihinalaang drug den operator na kinilalang si Loida M. Predas, 37-anyos.

Ang pag-aresto kay Predas ay nagbunga rin sa pagkabuwag ng drug den, pagkakakompiska ng

P124,200 halaga ng  shabu at pagkaaresto sa kanyang apat na galamay.

Kinilala ang mga suspek na sina Rico Mamaril, 41 anyos, residente sa Prk. 4, Brgy. Matain, Subic, Zambales; Melanie Gonzales, 45 anyos, walang asawa,  residente sa Brgy. Calapacuan, Subic, Zambales; Danilo Flores, 44 anyos; at Eduardo Ferrer, 38 anyos, kapwa residente ng Brgy. San Pedro, Lubao, Pampanga.

Nakompiska sa operasyon ang pitong piraso ng selyadong pakete ng plastic, may timbang na halos 18 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P124,200; assorted drug paraphernalia; at marked money.

Ang operasyon ay ikinasa ng magkasanib na mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA),  Zambales at Subic Municipal Police Station (MPS).

Mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o lalong kilala sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 ang inihahanda laban sa mga suspek. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …