Saturday , November 23 2024
Ryan Favis inding-indie

7th Inding-Indie Film Festival, magbubuwena-mano ngayon sa Gateway Cineplex

NGAYON ang simula, August 22, 2022 ng 7th Inding-Indie Film Festival sa Gateway Cineplex Cinema. Susundan ito sa SM Cinema Bacoor sa September 26, 2022 at sa Metropolitan Theater sa Maynila sa August 30, 2022.

Mapapanood dito ang mga baguhang artista ng Inding-Indie management sa ilalim ng talent manager and director na si Direk Ryan Manuel Favis. Kabilang sa mga artists rito ay sina MJ Cardenas, Gian Maamo, Rex Gwangcha, Krysia Barela, Renzie Liboon, Kyle Maamo, Romenissa Pardilla, Kim EJ Maamo, Antonette Leviste, Michael Justine, Azaleia Viernes, Ron Medina, Jan Austin Gui, Jan Albert Gui, Paula Ronquilo Macels, Fitzerald Friginal Kalumbayan, Ysabella Orandain, Charice Anne Toradio, Jazhmine Escabusa, Criselle Alona Montanez, Benjamin Jacobos Gooijer, Princess Balbin, at Clark Samartino.

Last July 31, 2022, inilunsad ang 7th Inding-Indie Film Festival (special edition) sa press conference na ginanap sa Red Hotel sa Cubao, Quezon City.

Tampok din ang mga sumusuportang celebrity dito na sina Pilar Pilapil, Lou Veloso, Archie Adamos, Jiro Manio na nakasama at naidirek nina Favis at Ron Sapinoso sa pelikulang Moonlight Flowers at ang huli ay itong taon lang with Keanna Reeves sa pelikulang Elijah na pinagbidahan ni Rex Gwangcha.

Ang mga short films na mapapanood dito ay: Ang Kapanglawan ni Tatay, Sleeping Beauty and The Beast, Up and Down, Bola, Seamanloloko, Nang Sumikat ang Araw sa Gabing Madilim, Ezra, Titik Himig Tinig, Strong Weak Guy, Dark Kaleidoscope, Electric, Heartbeat, Kalumbayan, Hay Naku, at Hukay.

Ang mga istorya na nakapaloob sa bawat pelikula ay may temang biblical, buhay ng tao, pilosopikal at kultura na may sining. Sumasalamin sa kasaysayan ng bayan at importanteng kaganapan sa lipunan.

Ginawa ni Direk Favis ang proyektong ito upang matulungan ang mga aspiring artist na walang kapasidad na lumabas sa mainstream media. Ito ang kanilang stepping-stone para maging maayos ang kanilang pagtahak sa karerang pangarap nila sa mundo ng showbiz.

Nagkaroon din ng mall tour recently ang nasabing artists sa SM Robinson, Araneta Farmers Plaza, at Isetann Recto. Inusisa namin si Direk Ryan kung paano ito nagsimula.

Esplika niya, “Nag-start kami noong 2014 with advocacy speaker German Moreno and also founder and president Ron Sapinoso at ako ang executive producer mismo na ngayon ay talent manager ni CJ Salonga under Star Cinema of ABS CBN.

“Ilang taon na kaming naglalabas ng mga short film sa bansa sa iba’t ibang venues gaya ng lumang theater, sinehan at private hotel dahil sa kawalan ng malaking suportang financial.

“Maraming pagsubok na pinagdaraanan ang management pero marami na itong nabigyan ng parangal gaya nina Alden Richards, Gloria Romero, Susan Roces, Mike Enriquez, Mav Gonzales, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Charo Santos Concio, Nora Aunor, Angel Locsin, Sanya Lopez at marami pang iba.”

Wika ni Direk Ryan, “Ngayong August 22, 2022 ay magkakaroon ng 7th Inding Indie special edition sa Gateway cinema 1 upang mapanood ang mga bagong short films at masaksihan ang magagandang programa na inihanda ng Inding-Indie kasama ang mga aspiring talents.”

Nabanggit ni Direk Ryan, dahil sa pandemic ay natigil ang pagdaraos ng taunang Inding-Indie Filmfest. Pero ayon sa kanya, ngayong taon ang muling pagsisimula ng taunang pagdaraos ng naturang filmfest.

About Nonie Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …