Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hot and Spicy wagi sa JRA Cup

Matapos makapagtala ng kahanga-hangang panalo sa bagong mananakbong kabayo na si Skyway sa isang “PCSO Maiden Race” ay muli na namang nagtagumpay ang kuwadra ni Ginoong Joey C. Dyhengco nitong nagdaang Linggo para naman sa kabayo niyang si Hot And Spicy nang masungkit  ang tampok na pakarera na “JRA Cup” Japan Racing Association Cup.

Maganda ang diskarteng nagawa sa kanya ni jockey Dunoy Raquel Jr. na isinunod lang muna at hindi gaanong nakipag-sabayan sa ayre nung mga bumandera. Paglagpas sa poste ng medya milya o huling 800 na metro ay pinakawalan na ng husto ni Dunoy ang kanyang sakay at agaran naman nagresponde si kabayo, kaya pagsungaw nila sa rektahan ay kontodo unat at walang humpay na kamot naman ang nakita kay Hot And Spicy kahit pa naunahan na sila sa pagremate nung paboritong si Be Humble na dinala ni apprentice rider R.V. Leona.

Sa huling 150 na metro ay halos magkapanabayan na sina Be Humble at Hot And Spicy sa unahan, hanggang sa makarating sa meta na nauwi pa sa photo finish. Subalit sa bandang huli ay naideklarang lumagpas sa gawing labas si Hot And Spicy laban kay Be Humble.

Naorasan ang nasabing karera ng 1:43.0 (24.5-24.0-25.0-28.5) para 1,600 meters na distansiya.

Congrats muli sa koneksiyon ni Ginoong Joey C. Dyhengco at kay former jockey Dante Salazar na siyang namamahala sa kuwadra.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

PSC

Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 …