Sunday , December 22 2024
Tiffany Grey Len Carrillo

Tiffany Grey, thankful sa manager na si Len Carrillo sa magandang takbo ng career

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ni Tiffany Grey na ang katatapos nilang pelikula titledMy Father, Myself, ang pinakamalaking project na nagawa niya so far. Actually, ito ang itinuturing niyang biggest break sa kanyang showbiz career.

Ang naturang pelikula ay tinatampukan nina Jake Cuenca, Dimples Romana, at Sean de Guzman, mula sa pamamahala ng premyadong direktor na si Joel Lamangan.

Lahad ng magandang aktres, “Ito po ang fourth movie ko at ito ang pinakamalaking role na natoka po sa akin. Kaya sobrang malaking opportunity ito para sa akin… Itinuturing ko pong biggest break ko itong movie na My Father, Myself.

“Sobrang bigat po sa akin nitong movie, pero alam kong kailangan kong gawin at alam kong marami po akong matututunan sa pelikulang ito. Kasi, second movie ko na po ito kay Direk Joel, una ay yung sa Fall Guy na si Sean din po ang bida.”

Unang napanood si Tiffany sa pelikulang Putahe sa Vivamax, na sinundan ng The Influencer at ng hindi pa naipalalabas na Fall Guy.

Aminado ang aktres na nang unang nalamang kasali siya sa pelikulang ito, hindi niya raw maintindihan ang naramdaman dahil halo-halo at iba-iba raw ito.

“Mixed emotions po… kinakabahan, naiiyak na nae-excite, grabe talaga! Kasi, iyong mga kasamahan ko ay puro magagaling na artista, mga bigatin, mga sikat… kaya challenging talaga ito for me,” nakangiting saad niya.

Nagapahayag din si Tiffany nang sobrang pasasalamat sa manager niyang si Ms. Len Carrillo sa magandang pagpapatakbo sa kanyang karera sa showbiz.  

Aniya, “Grabe talaga, sobrang thankful po ako kay Nanay Len, hindi ko alam kung paano ko siya mapapasalamatan sa ibinibigay niya sa aking malaking opportunity sa industriya na ito.

“So, kumbaga, parang iyong desisyon ko pong mag-stop muna sa pag-aaral ay worth it talaga. Kasi nag-stop talaga ako ng college for this, para magbalik ako sa showbiz at para magbalik po ako kay Nanay Len.” 

Pagpaptuloy na kuwento pa ng aktres, “Noong pandemic po kasi ay nag-stop ako ng studies ko, pero ito na talaga iyong passion ko, yung pagiging artista. Kaya hindi po ako talaga nagsisisi na nagbalik-showbiz ako, worth it lahat ng ginawa ko, worth it ang naging desisyon ko.

“Kasi po, 2017 nang nag-Belladonnas ako, tapos ay tumigil ako ng 2018 para mag-aral nga po… Then, bumalik ako kay Nay Len this year lang, 2022 po.  So, tama po iyong naging desisyon ko, lalo’t may pandemic pa rin, eh.

“So, promise ko po na gagawin ko talaga yung best ko po para maipakita sa lahat na kaya ko rin namang sumabay sa iba, kahit baguhan pa lang ako,” nakangiting wika ng aktres.

Ang Belladonnas ay isang all-female singing group na ang ilan sa members ay sina Quinn Carrillo, Cloe Barreto, Cristine Bermas, Angelica Cervantes, at iba pa.

Nagpasalamat din si Tiffany kay Direk Joel sa mga natutunan niya sa award-winning director.

“Sobrang dami ko pong natutunan kay Direk Joel, sa Fall Guy pa lang. Na kung ano ang character mo, dapat ay gampanan mo talaga nang maayos. And feeling ko rito sa movie na ito, dito ako pinaka-maraming natutunan bilang aktres sa lahat ng nagawa ko pong movies,” masayang sambit pa ni Tiffany.

 Ang pelikulang My Father, Myself ay mula sa panulat ni Quinn Carrillo at under ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …