Friday , April 18 2025

Art director na-basag-kotse sa Pasig City

DUMULOG sa himpilan ng pulisya ang isang art director kaugnay ng pagkawala ng kanyang gamit sa loob ng kanyang kotse nang umatake ang “basag-kotse gang” kahapon sa Pasig City.

Kinilala ni P/chief Insp. Glenn Magsino, hepe ng Criminal Investigation Section (CIS) ng Pasig City Police ang biktimang si Jose Maria David, 26 anyos, residente ng Unit 2609 City Land, Vito Cruz Tower I, 720 P. Ocampo Ave., Malate, Maynila.

Natangay sa loob ng sasakyan ang Lenovo Laptop, P50,000; Adidas rubber shoes; laptop bag; office notebook at P6,000 cash.

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga kahapon nang iparada niya ang kanyang Chevrolet Cruze, may plakang USO-242  sa Metro Parking Area, sa Ortigas Center, Pasig City.

Ayon sa biktima, pagka-park ng kanyang sasakyan, nagtungo siya sa  Corinthian Executive Building na di kalayuan sa parking area.

Laking gulat na lamang ng biktima nang balikan niya ang sasakyan na basag na ang salamin sa passenger seat at nawawala ang nasabing mga gamit at ang mga papeles nito.

Hindi ito ang unang insidente ng basag-kotse sa nasabing lugar na tila mahina ang seguridad sa panig ng pulisya lalo na sa Ortigas center na  sentro ng kalakalan.

(MIKKO BAYLON)

About hataw tabloid

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *