Saturday , November 23 2024

DA sinisi sa taas ng presyo ng bigas

090513_FRONT

SA GITNA ng patuloy na tumataas na presyo ng bigas at mga bintang ng katiwalian sa pag-aangkat ng bigas, sinabihan ng Ang Gawad Pinoy Consumers Cooperative, sa pamamagitan ng pinunong si Atty. Tonike Padilla, sina Department of Agriculture (DA) Secretary Proceso Alcala at National Food Authority (NFA) Administrator Orlan Calayag itigil na ang ‘turuan’ at sa halip ay tutukan ang mura at sapat na supply sa bansa.

“Naririto dapat ang DA at DFA upang siguruhin may sapat at abot-kayang bigas ang ating mga mamamayan. Sa halip na tugunan ang mga ulat na paubos na ang ating imbak na bigas at may mga nangungulimbat pa sa importasyon ng bigas, heto ang ating magiting na agri chief, nakikipagpasahan ng sisi para pagtakpan ang kanyang mga pagkukulang sa trabaho,” pahayag ni Padilla.

Ikinalungkot din ng abogado ang tila ba “tutok ni Sec. Alcala sa kanyang job security, imbes food security ng bayan.”

“Ito ang bottomline: ngayong araw lamang, tumaas na naman ng P5 kada kilo ang presyo ng bigas, at heto pa rin si Sec. Alcala, sinisisi ang mga rice miller sa pagtaas ng presyo imbes gumawa ng paraan upang mapadali para sa ating mga kababayan na makapaghain ng pagkain sa kani-kanilang hapag-kainan,” dagdag ng abogado.

Tinutukoy ni Padilla ang pahayag mula sa DA at NFA na sumisisi sa mga rice trader at “hoarder” sa pagtaas ng presyo, at mga ‘di pinangalanang grupo na umano’y naapektohan sa kanilang mga reporma kaya’t nagpasimula ng “smear campaign” laban sa DA at NFA.

Itinanggi ng mga rice miller ang mga alegasyon ng hoarding habang hindi pa isinasapubliko ng DA at NFA ang umano’y mga nasa likod ng “smear campaign” na nag-ugnay sa mga ahensya sa P457 milyong overprice ng inangkat na bigas.

Maging si Padilla nitong linggong ito ay nagbabala na maaaring umabot sa P2 bilyon ang mawawala sa kabang bayan dahil sa overpricing kung ipagpapatuloy ng DA at NFA ang kanilang pinaplanong importasyon ng 700,000 metriko toneladang bigas sa Nobyembre.

Dati nang sinabi ng mga rice miller na kakulangan sa supply ng bigas ang dahilan ng patuloy na pagtaas ng presyo nito. Pinasinungalingan nila ang patuloy na pagmamalaki ni Alcala na “rice self-sufficient” na ang bansa.

Iginiit rin ni Padilla ang salu-salungat na ulat sa supply ng bigas, pati na rin ang palitan ng akusasyon ng magkakaibang-panig, ay patunay lamang na kailangan nang imbestigahan ng Kongreso ang usapin, kung iiwasang maulit ang krisis sa bigas noong 2008.

“Kailan pa ito titingnan ng Kongreso? Kapag mahaba na ang pila sa mga pamilihan? Kapag wala nang may kayang bumili ng bigas sa taas ng presyo nito? Kung naniniwala si Sec. Alcala na may mga naninira sa kanya, baka matulungan siyang mag-imbestiga ng Kongreso. Ngunit kung tama ang mga rice miller na talaga ngang nagsisinungaling ang DA sa mga datos sa supply ng bigas, kailangan talaga nating kumilos nang mabilis para maiwasan ang krisis.”

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *