Monday , November 18 2024
Carl Balita

Dr. Carl Balita SMNI, bagong tahanan, mapapanood every Friday sa EntrePinoy Revolution

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAGANDANG balita ang pagbabalik sa TV hosting ni Dr. Carl Balita. Ito’y via EntrePinoy Revolution na mapapanood every Friday, 4:30-5:30 p.m. sa bagong tahanan niya, ang Sonshine Media Network International na kilala rin sa tawag na SMNI.

Masaya at welcome kay Dr. Carl ang pagkakaroon ng bagong tahanan sa pamamagitan ng SMNI.

Sambit ni Dr. Balita, “I feel at home here and I share the vision of the network.”

Nagsimula na ang Entrepinoy Revolution last Friday, May 27 at ito’y mapapanood tuwing Biyernes.

Si Dr. Balita ay kilala sa larangan ng entrepreneur at isang award-winning TV host. Siya ay recipient ng Hall of Fame Award bilang host ng DZMM Radyo Negosyo mula sa CMMA.

Sinimulan niya ang kanyang maliit na review center with just a chair and a small table sa Manila, hanggang ito’y lumago at mayroon na ngayong 120 branches nationwide. Ito ang tanging ISO 9001-2015 certified business of its kind, ang Carl Balita Review Center (CBRC) ang leading brand sa review industry. Siya ay isang movie producer din at kilala bilang mahusay na entrepreneur.

Siya ay maglulunsad ng isang entrepreneurial revolution sa pamamagitan ng kanyang weekly TV program na EntrePinoy Revolution.

Aniya, “Perfect opportunity occurs after major crises like wars and pandemics.”

Ibabahagi ng programa ang mga tagumpay at lessons mula sa mga micro-enterprise sa pamamagitan ng kuwento ng mga nagtagumpay sa larangang ito.

“My goal is to link services of government and other NGOs to help entrepreneurs grow their business.”

Ipinahayag din niya ang kahalagahan na matutuhan ng mga Pinoy na tututok at sasabak sa pagnenegosyo.

Ang EntrePinoy Revolution ay may mga iba’t ibang segment na tiyak makatutulong sa marami tulad ng NegosYOU, Grow Negosyo, Kalye Negosyo, at SalaPinoy.

Ipinaliwag ni Dr. Carl na ang mga ito’y makai-inspire at magpapalakas sa mga may kagustohang magnegosyo at mga nagnanais maibahagi ang kanilang kaalaman sa pagnenegosyo.

Pahayag ng tinaguriang EntrePinoy Guru, “EntrePinoy integrates and links services of government and other NGOs and group to help the entrepreneurs grow their business. It also features on financial literary and entrepreneurial growth mind-setting for Filipinos in general.”

Nais din ng kanyang TV program na makatulong sa mga existing entrepreneur na mapalago pa ang kanilang negosyo.

Okay din kay Dr. Carl na magkaroon ng segment dito na mafi-feature ang ilan sa mga kilalang showbiz entrepreneurs.

“Puwede natin imbitahan sina Judy Ann Santos, Marvin Agustin, Coco Martin, Kris Aquino na mayroong franchise business, James Reid… para mai-share nila ang ilang secrets para magtagumpay sa negosyo.

“Si Marvin (Agustin), gusto nating malaman kung paano siya nakabawi roon sa nangyari sa kanyang Cuchinillo,” pakli ni Dr. Carl.

About Nonie Nicasio

Check Also

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Miss Universe crown

Crown sa Miss Universe gawa ng Pinoy

I-FLEXni Jun Nardo KAHIT hindi manalo bilang Miss Universe ang pambato ng bansa na si Chelsea Manalo, panalo …

Roderick Paulate Mga Batang Riles

Roderick balik-GMA, ABS-CBN masikip na sa 2 Rhoda

I-FLEXni Jun Nardo NATUWA naman kami nang makita si Roderick Paulate sa trailer ng coming GMA series na Mga Batang …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …