Tuesday , May 6 2025
Angat Dam

Antas ng tubig sa Angat Dam posibleng tumaas pa

Inihayag ng National Water Resources Board (NWRB) na posibleng tumaas ang antas ng tubig sa Angat Dam sa lalawigan ng Bulacan na nagsusuplay ng tubig sa buong Metro Manila.

Dahil ito sa patuloy na nararanasang La Niña phenomenon o ang patuloy na pagbuhos ng malalakas na ulan sa Metro Manila at ibang lugar sa bansa.

Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David, mas mataas pa sa normal water level ang inaasahan ngayong taon batay na rin sa abiso ng PAGASA.

Ayon kay David, kailangang naka-alerto ang lahat ng mga nangangasiwa ng dam at  lokal na pamahalaan upang maging ligtas ang mga residenteng maaapektuhan ng pagbaha sanhi ng patuloy na pagbuhos ng ulan. (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Jon Lucas Jan Enriquez

Management ni John Lucas pinababaklas pag-endoso kay Abalos

I-FLEXni Jun Nardo UMALMA ang team sa likod ng career ng Kapuso actor na si Jon …

Chavit Singson e-jeep

Chavit Singson pinasinayaan pagbubukas ng e-Jeepney factory sa ‘Pinas

PINANGUNAHAN ni dating Gov. Luis “Chavit” Singson ang pagpapasinaya sa matagal na niyang pangarap, ang …

Dead body, feet

Bangkay ng kelot nadiskubre habang nagsosoga ng baka

NADISKUBRE ng isang pastol ng baka ang bangkay ng isang lalaki na kanyang natagpuan bandang …

Arrest Shabu

Sa Bulacan  
3 adik na tulak arestado, drug den binuwag

NAARESTO ang tatlong tulak sa isang drug den  kabilang ang operator na nagresulta sa pagkakakompiska …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bulacan at Angeles City
DALAWANG MWP NAARESTO SA MAGKAHIWALAY PNP OPS

BILANG bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga pinaghahanap ng batas, dalawang most wanted …