Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelo Carreon Mamay

Angelo Carreon Mamay, wish sumabak sa drama at horror projects

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AMINADO si Angelo Carreon Mamay na malaki ang naging epekto sa kanyang showbiz career ng pandemic. Marami siyang magagandang proyekto na nakatakdang gawin, ngunit dahil sa Covid 19, hindi na natuloy ang mga ito.

Aniya, “To be honest, bago po mag-pandemic, maganda po ang takbo ng showbiz career ko dahil may mga nakaline-up na projects po ako. Then, mula nang nagka-pandemic, may mga nawala at na-cancel na projects. So, talagang… I’m one of the celebritries na naapektuhan ang karera sa industriya ng showbiz.

Pagpapatuloy pa ni Angelo, “But this year, probably mga after summer, babalik na po ako sa pag-aartista at marami na rin po ang mga kumukuha o kumokontak sa akin na mga directors, producers, at iba pang showbiz personalities. Even for endorsements or sponsorships ay may mga offer na rin po ako. In short, this year ay unti-unting nagbabalik o sumisigla ang career ko.

“As of now, kakatapos lang po ng photo shoot ko for my new setcard and other purposes at yun ang isa-submit sa mga kumukuha at nagbibigay sa akin ng mga proyekto.”

Anong projects ang wish niyang gawin? “Dalawa po ang pangarap ko na mabigyan ako, lalo na sa big screen, drama and horror. Kasi pagdating naman po sa iyakan ay may ibibigay naman po tayo, hehehe,” nakangiting saad ni Angelo.

Dagdag pa niya, “Kaya mas gusto kong sumabak sa drama or even heavy drama pa. Then, hilig ko rin po ang manood ng horror. Minsan nga, ini-imagine ko na-what if ako ang nasa palabas nitong horror movie na ito?

“Pero as an artist, kahit anong proyekto pa po ang ipagkaloob sa akin, gagampanan ko nang maayos ang role na ibibigay o ipagkakatiwala sa akin.

“Maliban po sa pag-aartista ay hilig ko rin po ang pagtulong sa kapwa. Before pandemic pa po, pero lalo na noong nagka-pandemic, isa po sa pinagkaabalahan ko at binigyan ng pansin ang charity program para makatulong sa mga tao. Nagsagawa po ako ng outreach program, distribution of face shield, face mask and alcohol, tapos nagsagawa rin po ako ng relief operations, at iba pa.

“Kaya nabigyan po ako ng parangal recently lang po bilang Outstanding Youth Leader of the Year, given by 3rd Laguna Excellence Awards. Iyong isa naman po ay Most Remarkable Young Actor and Model of the Millennium ng 5th Asia Pacific Luminare Awards. Kasama kong umattend yung Road Manager ko na si Jeffrey Salvador Andres.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …