Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Francis Grey

Francis Grey, bibida sa pelikulang Katiwala

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

UNANG napansin si Francis Grey sa pelikulang Nang Dumating Si Joey under Direk Arlyn dela Cruz. Mula noon ay marami nang nagging bagbabago sa kanyang showbiz career.

Ito ang nabanggit sa amin ni Grey nang makahuntahan namin ang actor.

Aniya, “After po ng NDSJ, nagkaroon po ako ng teleserye which is the Broken Marriage Vow. Tapos nabigyan din po ako ng supporting role sa Magpakailanman- Queen of Piyok, gumanap po ako rito bilang boyfriend po ni Rita Daniela.

“Bale kaka-sign ko lang po sa Virtual Playground, kay sir Dondon Monteverde and Charlie Dy.

“Tapos ngayon ay may movie po akong isinu-shoot kay direk Joven Tan, ang title nito ay Katiwala. Sa pelikula, gaganap po ako bilang si Benny, bale lead role po ako rito.”

Ano ang masasabi niya sa pelkulang ito?

Wika ni Francis, “Matindi yung character ni Benny dahil pinapadanak niya ang dugo sa kanyang kamay. Isa siyang magnanakaw, pero may pagkamarupok din pagdating sa pag-ibig. Matindi yung pelikula dahil maaksiyon siya lalo na sa character nina Benny at Ellen.

“Maliban sa akin, kabilang din sa casts sina Ronnie Lazaro, Simon Ibarra, Gio Santos, at Eljay Bravo.”

Nabanggit din niyang masaya siya sa pangangalaga sa kanya ng bago niyang management.

“Sobra po. Ramdam ko po ang care at pag-aalaga sa akin ng bago ko pong management. Five days pa lang ang lumipas, pero nabigyan na po ako ng project, which is kyung Katiwala nga. Kaya malaki ang pasasalamat ko kina Sir Dondon, Sir Charlie, Sir Mark… salamat at sa lahat ng bumubuo ng Virtual Playground,” masayang pahayag pa ni Francis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …