Naghain ng motion for reconsideration sa Court of Appeals 6th Division ang lokal na pamahalaan ng Ta-guig para igiit ang kanilang pag-aari sa Fort Bonifacio na ayon sa desisyon ng una ay sakop ng Makati City.
Ayon sa Taguig, ang paglilipat ng Fort Bonifacio kabilang ang Bonifacio Global City (BGC) ay may epekto sa “hundreds of thousands residents and tens of thousands of business establishments.”
Apektado rin aniya ang mga plano ng mga negosyante na anila’y pagod na sa “bureaucratic red tape” at “needless local government intrusion.” Mayroon din umanon mga negosyo na lumipat sa Taguig mula Makati dahil sa mas mababang buwis, mas maayos na serbisyo at business policies.
Malaking tulong din aniya sa 28 barangay sa ilalim ng Taguig ang P5 bilyong nakukuha mula sa BGC.
Binanatan naman ni Makati spokesperson Joey Salgado ang mga hakbang ng Taguig.
“We hope that Taguig can substantiate such a claim with evidence that will convince the court that the documents it had submitted are not fake or dubious,” pahayag ng tagapagsalita ng Makati.
Nanindigan naman si Taguig Mayor Lani Cayetano sa kanilang karapatan.
“We will not stop. Taguig will exhaust all legal remedies available to assert our ownership of Fort Bonifacio. We have asked the CA to reconsider its previous ruling and I am confident that we will be vindicated in the end.”
Mababasa sa mos-yon na: “Taguig’s claim has the backing of history — it precedes Makati as a political and corporate entity by decades. Taguig’s claim has the weight of official authority behind it — in statutes, in proclamations, in public documents — while Makati can only rely on private writings and proclamations that expand the original terms of that which it sought to amend.”
Muli rin nanawagan si Cayetano kay Associate Justice Marlene Gonzales-Sison na mag-inhibit sa kaso dahil sa pagiging ma-lapit ng asawa niya kay dating Makati Mayor at ngayo’y Vice President Jejomar Binay na unang nakipaglaban para sa Fort Bonifacio.
(JAJA GARCIA)