Wednesday , January 15 2025
PROMDI ni Fernan AngelesI
PROMDI ni Fernan Angeles

droga sa darknet

𝙋𝙍𝙊𝙈𝘿𝙄
𝙣𝙞 𝙁𝙚𝙧𝙣𝙖𝙣 𝘼𝙣𝙜𝙚𝙡𝙚𝙨

SA GITNA ng masigasig na operasyon ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa kalakalan ng droga, may mga bagong estilo ang mga sindikato sa kanilang bentahan.

Gamit ang makabagong teknolohiya, ang lulong sa droga puwedeng umorder online, ayon sa PDEA.

Ang totoo, matagal nang kalakaran ang online transactions sa bentahan ng mga kontrabando – armas, pekeng pera, droga at iba pa. Pero dahil na rin sa paghihigpit ng gobyerno sa nakalipas na dalawang taon bunsod ng panganib na dala ng COVID-19 mas marami ang piniling magbenta ng kanilang paninda – legal man o hindi – gamit ang makabagong teknolohiya.

Pero hindi sa lahat ng messaging applications sa internet.

Partikular na tinukoy ng PDEA ang darknet na umano’y isang market site para sa iba’t ibang kontrabando. Pero ano nga ba ang lintek na darknet?

Ang darknet ay isang encrypted web-based network sa internet na hindi napapasok ng Yahoo, Google at Bing. Bukod sa bentahan ng armas, pekeng pera at droga, ito rin ang karaniwang gamit sa mga transaksiyon ng cryptocurrencies at money laundering. Sa madaling salita, hindi madaling makita – maliban kung ang link ay magmumula sa isang tulak ng droga.

Paglilinaw ng PDEA, mapapasok lang ang darknet kung ang mismong tulak ang magbibigay ng tinatawag na link, bagay na hindi nila magawa kahit pa gumamit ng isang arestadong suspek. Anila, posibleng malawak ang network ng mga sindikato ng droga sa darknet dahil batid nila agad kung sino na sa kanilang mga kausap ang nadakip.

Ang bawat tulak, may kanya-kanyang encrypted URL link. Matsambahan man ang isa, hindi nangangahulugang matutunton na ang iba. Balik ulit sa umpisa. Ang hirap ‘di ba?

Sa puntong ito, higit na kailangan ang ibayong pagkakaisa ng mga pribadong IT firms at iba’t ibang ahensiya ng gobyerno – kabilang ang Department of Information Communication and Technology (DICT) at mga cybercrime divisions ng National Bureau of Investigation (NBI), PNP at PDEA.

Marahil ang tanong ng marami – kung nagagawa ng isang ordinaryong IT expert ang pasukin ang mga government websites, bakit hindi ang darknet?

Ang sagot – hindi pangkaraniwang digital platform ang darknet. Ito ay isang cyberspace na sadyang ginawa ng mga henyong utak-sindikato. Pinag-aralan, pinaghandaan, pinagkagastusan at ginawang kanlungan ng mga sindikato sa likod ng mga ilegal na kalakalan.

Gayonman, walang imposible para sa gobyernong hitik sa pondo at kompleto sa mahuhusay na tao. Katunayan, makailang ulit na bang nasangkot ang ilang tanggapan ng gobyerno sa hacking incidents ng mga news organizations na kontra sa estilo ng pamamahala ng barako sa Palasyo?

Kung gusto, may paraan. Pag ayaw, maraming dahilan.

About Fernan Angeles

Check Also

Firing Line Robert Roque

Peace o power?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANO pa man ang itawag, ang “peace rally” na …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 100-araw ni Col. Buslig sa QCPD, krimen patuloy sa pagbaba

AKSYON AGADni Almar Danguilan ENERO 11, 2025, ang unang isandaang araw ni PCol. Melecio M …

Dragon Lady Amor Virata

Pulis na private security ng mga kandidato, ipinasisibak

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MGA kandidato sa 2025 elections na may mga banta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Firing Line Robert Roque

Renovation na karapat-dapat

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUMASAILALIM ngayon ang Rizal Memorial Sports Complex, isang makabuluhang …