Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

ENKUWENTRO NG MGA PULIS VS TAUHAN NG VICE MAYOR, ISA PATAY (Sa Pilar, Abra)

KINOMPIRMA ni Pilar, Abra Mayor Mark Somera na binawian ng buhay ang isang tagasuporta ni Vice Mayor Josefina Disono matapos maipit sa enkuwentro sa pagitan ng mga pulis at ng mga tauhan ng bise alkalde nitong Martes ng umaga, 29 Marso.

Ayon kay Somera, papasok umano sa munisipyo ang convoy ni Disono galing sa isang aktibidad nang paulanan ng bala ng mga pulis na nakahimpil sa inilatag nilang checkpoint sa Brgy. Poblacion.

Ngunit batay sa ulat ng Pilar MPS, imbes huminto ay kumaripas ang sasakyan ng bise alkalde sa checkpoint ng pulisya kaya pinaputukan.

Hinabol ng mga pulis ang sasakyan ni Dinoso na nakipagpalitan ng putok sa mga awtoridad hanggang dumating sila sa bahay ng bise alkalde.

Bagaman may kanya-kanyang bersiyon at akusasyon ang magkabilang panig, kasalukuyan nang nakakordon ang bahay ni Disono habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …