Saturday , November 16 2024
fire sunog bombero

Gusali ng trucking company nasunog

TINUPOK ng apoy ang gusali ng isang trucking company sa loob ng Muralla Industrial Park sa lungsod ng Meycauayan, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng gabi, 27 Marso.

Sa naging pahayag ng security guard na kinilalang si Jeffrey Casia, dakong 10:00 pm kamakalawa nang makita nilang may apoy sa bahagi ng barracks kaya agad nagpulasan palabas ang mga manggagawa sa gusali.

Umabot ang sunog sa ikalawang alarma na nirespondehan ng mga bomberong mula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila dahilan upang mabilis ding naapula ang apoy.

Katumbas ang pangalawang alarma ng lawak ng apat hanggang limang bahay na nasusunog at nangangailangan ng walong firetrucks upang maapula ang apoy.

Dakong 1:56 am nitong Lunes, nang ideklarang fire out ang lugar habang patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pinagmulan at halaga ng pinsala sa sunog. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …