ARESTADO ang isang kandidato sa pagkakonsehal sa bayan ng Gapan, lalawigan ng Nueva Ecija matapos mahuling lumabag sa gun ban kasama ang apat na iba pa.
Kinilala ni P/Col. Jesse Mendez, acting provincial director ng Nueva Ecija PPO, ang nadakip na suspek na si Elizalde Tinio at apat niyang kasamahan.
Narekober mula sa sasakyan ng mga suspek ang kalibre .45 pistola, at kalibre .38 revolver na kargado ng bala.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, unang nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad matapos makatanggap ng ulat na may binugbog na menor de edad ang grupo.
Dito naabutan ang lima hanggang nakita ng mga awtoridad ang armas sa kanilang sasakyan kaya sila ay tuluyan nang pinagdadampot.
Bukod sa kakaharaping paglabag sa umiiral na Omnibus Election Code (gun ban) ang mga suspek ay nahaharap na rin sa kasong child abuse. (MICKA BAUTISTA)