Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Police PNP

13 wanted persons, 5 drug suspects nasakote sa Bulacan

ISA-ISANG nahulog sa kamay ng batas ang 13 wanted persons pati ang limang drug suspects sa matagumpay na operasyon laban sa krimen ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang Martes ng umaga, 15 Marso.

Sa ulat na ipinadala ni PNP Bulacan Acting Provincial Director P/Col. Rommel Ochave, kay PRO3 Regional Director P/BGen. Matthew Baccay, nagtulong-tulong ang tracker teams ng Provincial Intelligence Unit (PIU), CIDG Bulacan, mga police stations ng Baliwag, Bocaue, Paombong, San Rafael, Plaridel, Bustos, Meycauayan, at 2nd PMFC na magsagawa ng serye ng manhunt operations na nagbunga sa pagkakaaresto ng 13 wanted na kriminal, sa bisa ng warrant of arrest (WOA).

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Ericson Sison, alyas Ricky/Punit ng Brgy. Tugatog, Meycauyan sa kasong Robbery; Jayson Nacario ng Brgy. Panginay, Balagtas, sa kasong Acts of Lasciviousness; Rodolfo Leonardo ng Brgy. Panginay, Balagtas sa kasong Attempted Homicide; Mary Niel Santos ng Brgy. Tangos, Baliwag, Estafa; Irra Reniel Alvarez ng Brgy. Pagala, Baliwag, Estafa; Lovelyn Rodero ng Brgy. Antipona, Bocaue, Swindling (Estafa); Aaron Percival Bernardo ng Brgy. San Isidro II, Paombong, sa paglabag sa Access Devices Regulation Act of 1998 (Credit Card Violation Act) ng RA 8484 na inamyendahan ng RA 11449; Alex Isip ng Brgy. Pulo, San Rafael, Malicious Mischief; Billy Eusebio ng Brgy. Sipat, Plaridel, paglabag sa RA 9165; Emma Condeno Brgy. San Pedro, San Jose del Monte, Slight Illegal Detention; Elias Agustin, alyas Barete ng Brgy. Lolomboy, Bocaue, Serious Physical Injuries; Jhodie Erlandez ng Bgry. Tambubong, San Rafael, Qualified Theft; at Cathleen Jordan ng Bgry. San Pedro, Bustos, Qualified Theft.

Samantala, nadakip sa serye ng anti-drug bust operation na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng mga police stations ng San Jose del Monte, Marilao at Pandi ang mga hinihinalang drug peddlers na kinilalang sina Mark Joseph Aguilar, alyas Piyok ng Brgy. Gumaoc East, San Jose del Monte; Daniel Bobis, alyas Dan, ng Brgy. Lawa, Marilao; Jesus Fajardo, alyas Jess ng Brgy. San Juan, Balagtas; Axcel Justine Amurao, alyas Gimo ng Brgy. Cacarong Bata, Pandi; at Jose Nicolo Luis ng Brgy. Bunsuran 2nd, Pandi.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga suspek ang kabuuang pitong pakete ng hinihinalang shabu at dalawang pakete ng marijuana kabilang ang buy bust money na ginamit sa operasyon.

Ayon kay PRO 3 Regional Director P/BGen. Baccay, ang pulisya sa Central Luzon ay mananatiling mapagmatyag sa mga kriminal na gumagala sa rehiyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …