Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Benz Sangalang

Benz Sangalang, game magpasilip sa unang project sa Vivamax

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGHAHANDA na sa kanyang unang pelikula sa Vivamnax ang hunk actor na si Benz Sangalang. Nabanggit niya ang ginagawang preparasyon dito.

Aniya, Ngayon po, halos naka-focus lang ako sa paghahanda sa paparating na project para sa Vivamax. Mga work-out, pagpapa-fresh, mga ganyan po ang ginagawa ko ngayon… nagba-basketball din po ako, naisisingit pa rin naman.”

Nabanggit din ni Benz na mabibinyagan na siya sa pagpapa-sexy dito.

“Ang gagawin ko pong movie sa Vivamax ay titled Secrets, kay Direk Joey Reyes.

Ang tema po ng movie, medyo suspense na may kaunting sexy, pero hindi talaga siya sexy movie.”

Game ba siya kung sabihan siya ni Direk Joey na kailangan niyang magpa-sexy talaga sa pelikula?

Sagot niya, “Tinanong po niya ako sa limitation ko, tinanaong niya, ‘Sa butt exposure ba okay lang na ipakita ang kalahati ng butt mo?’ Sabi ko okay lang po kahit buong makita yung puwet ko sa movie, basta ayaw kong ma-expose yung front ko, na makita sa screen.

“Mayroon daw part ng movie na nakahubad ako, tumatakbo sa dagat at dapat walang plaster. Pero hindi naman daw makikita yung private part ko, kasi napakalayo na raw,” saad pa ng guwapitong alaga ni Jojo Veloso.

Pero, handa na ba talaga siya sa pagpapatakam sa mga gay at matrona kanyang movies? “Yes, game naman po ako, lalo’t parte talaga ng movie iyon. And, napag-uusapan naman po iyon.

“First time ko pong maghuhubad sa isang project, pero okay naman po iyon, part lang ng trabaho po talaga at wala naman sa akin iyon, specially Joey Reyes pa po ang director namin,” nakangiting wika pa ni Benz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …