Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alfred Montero Ahron Villena Angie Montero Bakas ni Yamashita

Direk Danni, ibinidang may pagka-Indiana Jones ang Bakas ni Yamashita

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAKAHUNTAHAN namin recently si Direk Danni Ugali hinggil sa pelikulang Bakas ni Yamahita, na siya ang direktor. Ito’y hatid ng White Eagle Films Productons, isinulat ni Bill Velasco at tinatampukan nina Ahron Villena at Alfred Montero.

Kasama rin sa casts sina Dexter Doria, Lou Veloso, Archi Adamos, Angie Montero, Toni Co, Joshua de Guzman, Christa Jocson, at iba pa.

Kuwento ni Direk Danni, “Tapos na po ang shooting ng Bakas ni Yamahita, yung last shooting date sa Zambales is Feb. 28 and March 1 ay nasa Manila na kami. Then March 3, nag-one day shoot po sa Manila. Nasa editing stage na po kami under John Wong Full Post Asia.”

Pagpapatuloy pa niya, “Na-replace po ni Allan Paule si Simon Ibarra dahil naka-lock in pa po siya noon. Si Aurora Yumul, Julia Chua (sister ni Miggs Cuaderno), Tonz Are, Dorian Lee, and Princess Elayda po ang mga nadagdag sa cast.”

Ayon pa kay Direk Danni, hindi naman sila nahirapan sa shooting kahit kasagsagan pa ng covid noon.

“Ang shooting po namin, okay naman po, hindi kami masyadong nahirapan kahit pandemic, kasi we follow naman po the protocols. May mga mid-swab test and exit swab test po kami. Mas nahirapan po kami sa mga locations, especially sa last shooting days sa Zambales, kasi bundok at mga caves po.”

Kamusta naman kaya ang acting dito nina Ahron, Alfred at si Ms. Angie na siyang producer ng movie?

Aniya, “Okay naman po si Alfred at si Ahron, happy naman po sila kahit medyo mahirap especially may mga stunts. Si Madam Angie po happy naman kahit medyo nag-over budget kami due to unforseen expenses, like yung mga swab nga po and yung number ng limit ng tao sa accommodations due to pandemic. Plus, yung special effects na ginamit sa movie.”

Dagdag pa ni Direk Danni, “Si Mam Angie, nakow very natural po ang acting niya! Especially since nanay nina Ahron at Joshua ang role niya sa movie at nanay na nanay talaga po ang makikita sa kanya rito.”

Paano niya ide-describe ang movie, may touch ba ng Indiana Jones ang kinalabasan nito? “Mala-ganoon… na Indiana Jones, but treated with Pinoy touch since medyo totoo talaga yung Yamashita treasure and we balance the action and drama ng movie. So, kaabang-abang po itong movie namin,” masayang wika pa ni Direk Danni.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …