GINANAP nitong Sabado, 5 Marso, sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan ang pagtitipon-tipon ng mga ‘kakampink’ o mga supporters ng team Leni-Kiko na dinalohan ng dalawa para sa kanilang kanididatura sa pagkapangulo at pangalawang pangulo ng bansa sa halalang gaganapin sa 9 Mayo 2022.
Dumalo sa pagtitipon si Gob. Daniel Fernando at ilan pang mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan.
Nang magtalumpati si Fernando, tinawag niyang ‘President’ si presidential aspirant Vice President Leni Robredo.
Pahayag niya, “Minamahal kong mga kalalawigan, sama-sama po nating palakpakan at salubungin ng isang masigabong palakpakan na may pag-asa ang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, President Maria Leonor “Leni” Gerona Robredo.”
Kasunod ng payahag na ito ng gobernador ang umaatikabong sigawan at palakpakan ng mga supporters na pawang mga nakasuot ng kulay rosas na t-shirt. (MICKA BAUTISTA)